"May nangyari ba? What's wrong? Are you okay, sweetheart?" tanong nito habang hinihila ang isang upuan sa kanyang tabi. "Bakit ganyan ang mukha mo? May nang-away ba sa 'yo?" Puno ng pagtatanong ang mata ng binata na ngayon ay nakatingin sa kanya. Tila ngayon lang din kasi niya ito nakita sa ganoong itsura. Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong na iyon. "Hey, talk to me..." Pinagmasdan muna niya ang mukha ni Sebastian. She feel possessive over this beautiful man. Hindi niya alintana ang ibang mga babaeng nakapalibot dito dahil alam niya na hindi gaanong mahalaga ang mga ito sa binata. It was also all in the past now. Minsan ay nasabi sa kanya ni Celine na hindi nito mapaniwalaang napagbago niya si Sebastian kahit papaano. Noong una ay hindi niya gaanong maintindihan ang sinasabi ng dala

