4 Months Later... ''You didn't see her today?" nakakunot ang noong tanong ni Sebastian ng makasalubong si Celine sa hallway. Katatapos lang ni Celine sa isang major operation na inabot ng tatlong oras kaya naman alas singko na ito nakalabas ng OR. Kaninang umaga pa niya tinatawagan si Gilliane pero hindi ito sumasagot. Nagpaalam ito kagabi sa kanya na doon kuna matutulog sa condominium ng kaibigang si Phoebe para damayan ito dahil sa nangyaring misunderstanding sa pagitan ni Phoebe at ang asawa nitong si Jerome. Nahuli kasi ni Phoebe na may babaeng nakayakap sa asawa nitong si Jerome ng aksidenteng makita ito ni Phoebe sa mall. Nagpaalam lang daw itong may importanteng lakad kaya hindi nito inakalang makikita pa ito mismo ng asawang si Phoebe sa mall habang bumibili ng groceries. Hindi

