Bago pa siya makalakad papalayo ay nagsalita na ulit si Sebastian. "If you go, tatayo ako dito at yayakapin kita. I don't care kung marami ang tumingin sa atin." Tila nag-init ang kanyang buong mukha sa sinabi nito. Napahigpit ang pagkapit niya sa tray. ''It's all up to you, Nurse Gilliane." Seryosong sabi nito. "Stay with me until I finish my food and you can go. Or I will stand and hug you so tight that everybody might look at you and have everyones attention." Naiinis man ay tiningnan niya na lamang ito ng nakakamatay na titig habang naglalakad siya pabalik sa table. Gusto niya itong tusukin ng tinidor para matauhan ito sa mga sinasabi nito at tigilan na ang pagkontrol sa kanya. "What is your problem?" "You." "And how am I a problem to you?" Naiinis na siya dito. "I want you to l

