"So, that's really the reason kung bakit ka bigla na lamang nagdecide na puntahan si Phoebe at magdecide na doon matulog? You decided like 8pm already, we are supposed to be having dinner that time." Sebastian unbelievably asked her wife. "How did I be that clueless? Kaya pala pagkadating ko noon galing ospital at yayakapin na sana kita ay bigla ka nalang nagsabing bigla ka nalang naihi." "That's why you rushed to the comfort room." Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Sebastian sa asawa. Kasalukuyang nag-uusap ang dalawa sa sala. Iyon nga lamang at sa halip na magkatabi ay magkaharap at magkaiba sila ng upuan dahil sa sensitibong pang-amoy ni Gilliane. Kaunting maamoy lang kasi niya ang asawa ay tila hinahalukay na ang kanyang tiyan sa 'di maipaliwanag na dahilan. Nakadagdag pa ang amoy

