Cattleya froze habang hawak pa rin niya ang phone na may nakabukas na message mula sa unknown sender. Isang linya lang pero sapat na para magulo ang isip niya. Stop trusting Del Rio. He’s not protecting you. He’s controlling the outcome. Hindi niya agad nai-delete. Parang may tinik na nakausli sa dibdib niya. Bakit ba kasi dumating pa ‘to sa ganitong oras, habang magkasama sila sa conference room na ‘to para sa shared project? Nasa likod niya si Rafael, matangkad at seryoso ang mukha. Hindi siya gumalaw agad pero ramdam na ramdam niya ang presensya nito. Parang biglang uminit ang kwarto kahit malamig naman ang aircon. “ Sino ang nagpadala niyan?” tanong niya ulit, mas mababa ang boses pero puno ng diin. Hindi agad nakasagot si Cattleya. Inilagay niya muna ang phone sa bulsa ng kanyang j

