"Magpapakasal ka kay Aubrey sa ayaw at sa gusto mo" panimula ni Lola na nagpagulat sakin.
Nabagsak ko rin ang mga kubyertos na hawak ko dahil sa gulat.
"Po?!" Hindi ko rin naiwasang mapataas ang timbre ng boses dahil nga sa gulat ko.
Isang ngisi ang pinakawalan ni Lola habang si Lolo naman ay humalakhak. "Ayaw mo ba?" Tanong ni Lolo.
Bumaling ako kay Lola pero nakangisi nya lamang akong tinaasan ng kilay.
"May sinabi ba akong ayaw ko" nakanguso kong ani na ikinalahakhak nilang dalawa.
"I told you Relando, he likes Aubrey" ani ni Lola na nagpangiti sakin.
"Thalia?" Gulat kong ani nang makita ko ang isang pamilyar na mukha ng babaeng naging kaibigan ko sa ampunan.
Maliban sa height ay ang kutis lamang ang nagbago rito. Maamo ang mukha nya gaya ng kung ano ang pagkakakilala ko sa kanya.
Narito ako sa loob ng kotse ko habang nakahawak ng mahigpit sa manibela. Nakatunghay rin sa bintana at pinagmamasdan ang pamilyar na babae.
Mukha akong tanga sa totoo lang pero hindi ko maiwasang mangiti habang pinagmamasdan ko siyang nakanguso'ng nakatitig sa food stall na pinagtatrabahuan ni Elise.
Hindi na ako nag aksaya ng panahon at agad na lumabas ng kotse upang magtungo sa banda nila.
"Self service kami dito Maam" ani ni Elise bago inabot ang plastic cup sa babae. Napadalawang lingon pa sakin si Elise nang masulyapan nya akong mayabang na papalapit sa kanya. Umarko ang kilay nya nang makalapit ako. "Ano sayo sir?"
"Tornado ball" sagot ko pero naroon ang paningin ko sa babaeng mahigpit na hinahawakan ang plastic cup na hawak nya.
Bahagya siyang nakatungo kaya naman hindi ko gaanong nakikita ang mukha nya.
"Hindi ka pa rin nagbabago Coby" asik ni Elise na nginitian ko.
Kita ko ang pagkatigil ng babae sa pagsandok ng sawsawan kaya naman medyo lumaki ang tiyansa ko sa hinala ko.
"Nah. Just give me my cups" asik ko na tinawaman nya pero binigay rin kalaunan. Pansamantala akong nakipagkamustahan kay Elise gaya ng palagi kong ginagawa sa twing bibisita ako sa food stall na ito. "Excuse me Miss" ani ko sa kanya dahilan upang mag angat sya ng tingin at magkasalubong ang mga mata namin.
Panigurado akong si Thalia nga ang kaharap ko.
"Ah I'm sorry" sagot nya bago tumabi.
Lumingon ako kay Elise upang sagutin ang mga tanong nya bago bumaling sa babae.
Bahagyang bumagsak ang mga balikat ko nang makita ko yung babae na naglalakad na palayo.
Hawak nya ang plastic na bote sa kanan nyang kamay habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa mga folder na dala nito.
"Kilala mo?" Tanong ni Elise nang mapansin nyang nakatanim ang titig ko sa babaeng naglaho na sa paningin ko.
"Hindi" sagot ko na lang para tumigil sya sa pag iintriga.
"Nako. Nagkakasala nanaman yang mga mata mo Coby. Baka mamaya nyan pag awayan nyo nanaman ni Aubrey yan" bilin nya na nginiwian ko.
"Of course not. Pamilyar lang siya. Pero hindi ko siya kilala" sagot ko na lang.
Hindi ron natapos ang pagkakita ko sa babae dahil kinabukasan lang ay ngulat rin ako na kasama ko siya sa meeting.
Sila pala ang bagong kasosyo ni Lolo sa trabaho.
"This is Coby Yullenco, my grandson" pakilala ni Lola sakin dahilan upang mag angat ako ng tingin.
"What's up madlang people" bati ko na ikinatawa naman nila.
Di nagtagal ay tumayo ang isang lalaki kasabay ng pagmuwestra sa babaeng kanina ko pa tinitingnan.
"This is Thalia Marie Conquez, my daughter" pakilala nya. Tumayo naman ang babae upang yumuko yuko samin.
Thalia Marie?
Tulad ko ay apilyedo lang nya ang pinalitan nya?
Nice.
"Let's start" and our conversation and reports went on.
Panay ang sulyap ko kay Thalia habang nagrereport sya sa harapan. Kita ko ang pagkailang nya kaya naman palihim pa akong napangisi.
"Any questions?" Tanong nya dahilan upang mag angat ako ng kamay. "Yes?"
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago magsalita. "Makakasigurado ba kami na makukuha namin ang sales na inaasahan namin?" I test her knowledge.
"I'm sure. It depends naman kung tatanggapin nyo ang proposal namin" taas kilay nyang sagot dahilan upang mangunot ang noo ko at maglapat ang mga labi ko.
It hits me. f**k.
Nagtawanan ang ilan habang ang grandparents ko naman ay mas malakas na humalakhak habang nakaduro sakin.
"Oo nga naman Coby. Isip rin kapag may time" banat ni Lolo na nagpangisi sakin.
"Yeah. I'm just playing around" sagot ko na lang para mapagtakpan ang kahihiyang bumalot sakin.
Nagtayuan ang ilang investors upang magpaalaman sa isat isa. Prente akong tumayo at tumitig kay Thalia ngunit hindi man lang ako nito tinatapunan ng tingin.
Psh.
"Lo. I need to go. Susunduin ko pa si Aubrey" paalam ko kay Lolo na tinanguan nya. "Tito mauna na ako" paalam ko kay Mr. Sarmiento na kaagad nya namang sinagot ng tapik sa balikat.
"Ingatan mo ang prinsesa ko" aniya na ikinalawak ng ngiti ko.
Of course. I love her eh.
"Hello my princess" bati ko kay Aubrey na ngayon ay pairap na inalis sakin ang tingin.
Agad akong natawa bago siya sinalubong ng yakap at hinalikan sa sintido. Kita ko ang pagnguso nya dahilan upang mapahalakhak ako.
"Bakit late ka ng tatlong minuto ha?" Pag iinteroga nya habang naglalakad kami palabas sa Enderun College.
Gaya namin ay nakikisabay palabas ang mga estudyanteng nagmamadaling umuwi. May ilang nagkakantahan sa pathway at meron rin namang nag uusap usap ng kung ano ano.
"Alam mo bang kanina pa ako naghihintary rito?" Taas kilay nya pang dagdag.
Ang kamay ko na nasa bewang nya ay unti unting gumapang hanggang sa maituon ko iyon sa balikat at prente siyang inakbayan. Unti unti ay kumurba ang nguso nya sa isang ngisi.
"Alam mo namang kahit na matagalan ako.. sayo pa rin naman ang bagsak ko di ba?" Pambobola ko dahilan upang sikuhin nya ako sa tagiliran.
"Puro ka pambobola Coby" reklamo nya pa hanggang sa makasakay kaming dalawa sa kotse. "Kumusta ang meeting?" Tanong nya nang maisabit ang seatbelt.
"Okay naman ang background ng company nila. Ang bilis nga nilang napapayag ang mga investors. Lalo na sila Mr. Ochoa" dagdag ko bago iminaobra ang kotse.
Sa daan ay napag usapan namin ang tungkol sa kasal.
Sabi nga nila, 'Kahit gaano kalayo ang usapan.. maipapasok at mapapasok dyan ang kasalan' kaya naman hindi na ako magtataka gayong ang usapan naming opisina ay napunta sa kasalan.
Anyways ito nga pala ang paborito kong topic. Ang mag settle down kasama siya at wala ng iba.
"Gusto ko kahit na naikasal na tayong dalawa, dapat may oras ka pa rin samin kahit na medyo busy ka sa trabaho"
"Hindi naman ako kailanman naubusan ng oras pagdating sayo Aubrey" pang aalo ko dahil naroon na ang pait sa boses nya. Sa halip na lumingon sakin ay sa daan nito ibinaling ang atensyon at humalukipkip sa kinauupuan nya. "Medyo natagalan ang meeting kanina dahil sa pag iinteroga ko sa capabilities nila"
'Niya' dagdag ng isip ko dahilan upang bahagya pa akong mapasinghal.