DANRIOUS's POV Nagtatakbuhan sila sa bakuran ng mansyon sa kalagitnaan ng hapon. Pinagmamasdan ko sila sa lilim ng mga puno. "Lolo tu you flawors." tanong ni Akane kay papa na parang na hindi pa alam ang gagawin. "Yes sweetie thank you," sabi niya at pinayuko siya ni Akane at nilagyan ng flower crown. Tawa ng tawa si Aoi sa lolo niya at sinabihan 'tong "lolo mukha tang girl," sabi niya habang tinuturo pa 'to. Nakita ko ang mukha ni Runo na parang kinakabahan pero lumipas din 'to ng tumawa ng malakas si papa. "Did I? HAHAHA." nagtawanan silang tatlo doon habang naglalaro ng mga bulaklak at dahon. Sa ngayon, dalawang linggo na ang lumilipis nung matapos ang issue sa company naming mga Lockhart. Si papa tuluyan ng nagritiro at ipinamana ang mga kompanya samin apat na magkakapatid. Na

