DANIEL's POV Pagtapos ng insedenteng ‘yun sinimulan ko na ang paglayo ko sa kaniya. Halos ilang linggo ako magkulong sa kwarto, hindi ko makausap ng matino si kuya ganun na din si Rious ay hindi ko mahagilap. Pinutol lahat ng koneksyon ni papa kay Rious, Lahat ng mga credit cards niya ay diniactivate ni papa at lahat ng phone connection samin ay blinock niya. Hindi ako makalabas o makapagbigay tulong man lang sa kakambal ko, pinapahirapan sila ngayon dahil pinili niya na mamuhay ng mahirap kesa sa yaman ni papa. Ako naman halos manlumo ng makita ko ang na wawala kong ina, akala ko iniwan niya lang kami at sumama sa kung sino pero ito pala siya, all this time na sa atik lang at nakakulong sa maliit na baul. Pinagkasya siya doon kasama ng mga ulo ng iba't-ibang lalaki niya, halos mabal

