Chapter 2

1549 Words
Bit- bit ang mga gamit ay nilisan ni Rose ang bahay na pinapasukan niya. Mag iisang buwan pa lamang ng bumalik siya sa dati niyang trabaho, pero sa halip na yaya ay kasambahay na ang pinasok niya doon. Agad naman siyang tinanggap ng biyenan ng dati niyang amo dahil kilala na siya nito at alam na nito kung pano siya kumilos. Siya yung tipo ng kasambahay na hindi na kailangan pang pagsabihan kung ano ang mga dapat gawin. At dahil naging maayos naman ang mga ito sa kanya noon ay naisipan niyang bumalik nang sabihin ng mama ng kambal na naghahanap ng kasambahay ang kanyang biyenan. Hanggang ngayon ay nakikipisan parin kasi sila sa malaking bahay na iyon. Kung sa bagay ay sobrang laki naman non kaya sobra sobra pa sa kanila ang bahay. Sa isip isip niya ay kahit limang pamilya ay magkakasya doon. Ngunit isang insidente ang nangyari kung kaya't kinailangan niyang umalis. Birthday ng mama ng mga bata ng malasing ng sobra ang asawa nito at dahil madalas ay katabi siya ng mga kambal matulog kapag wala pa ang magulang ay doon siya nahiga ng gabing iyon. Nagulat pa siya ng maramdaman ang pag dantay ng mga palad ng lalaki sa kanyang hita. Sa takot ay natadyakan niya ito at agad agad na tumakbo sa labas ng kwarto. Galit na galit naman ang asawa nito sa ginawa sa kanya kung kaya't pinagsisigawan niya ang asawa. Ang sabi ng ina ng lalaki ay napagkamalan lamang siya na asawa niya dahil nga doon siya nakahiga sa pwesto nila at naka talukbong pa siya ng kumot. Dahil sa ayaw na niyang lumaki ang gulo at kahit paano ay naging maayos naman ang mga ito sa kanya ay hindi na siya nag salita pa. Tinanggap na lamang niya ang kanyang sahod at umalis. Hanggang ngayon ay wala parin silang ibang napag sasabihan tungkol sa pag bubuntis niya. Mag tatatlong buwan na ang kanyang tiyan noon. Natatakot naman siyang umuwe sa kanila dahil kilala niya ang kanyang nanay. Maaring mapatay siya sa bugbog nito pag nagkataon. Kaya wala siyang choice kundi abg pumunta sa bahay nila Paul. Nahihiya man ay kinapalan na niya ang kanyang muka at nag tungo sa bahay nito. Maya maya ay kumatok siya sa isang kubo at dahil kilala na siya ng mga kapatid ni Paul ay agad nilang tinawag ang nakatatandang kapatid. "Kuya! Kuya! Si ate Rose nasa labas!" Sigaw ng batang babae. Sa palagay niya ay nasa dose anyos palang ito. Maganda ito at kamukang kamuka ng kanyang kuya kaya lang ay maputi ito hindi kagaya ni Paul na kayumanggi ang balat. Naka ilang tawag pa siya peri ayaw bumangon ng nakahigang binata. Maya maya ay ang mama nito ang lumabas at sumalubong sa kanya. "Sandali lang ha? Umaga na kasi umuwe yan tapos lasing pa!" Sabi ng ginang sabay talikod sa kanya. Pumasok ito sa loob ng kubo at ginising ang anak. Nakailang gising din ito bago pa man bumangon ang panganay na anak. Walo silang magkakapatid at siya ang panganay. Dahil seventeen years old palang siya ay maliliit pa lang din ang mga sumunod sa kanya. Agad lumabas si Paul ng makita siya at hinila palayo sa bahay. Nang makasiguro na hindi na sila maririnig ay saka ito nag salita. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ni Paul. Tiningnan pa nito ang mga dalang gamit. Nang huling pagkikita nila ay noong hinatid siya nito sa papasukang trabaho. "Umalis na ako kina ate, si kuya kasi muntik na akong gahasain kagabi." Sagot niya sa binata. "Ha? Eh bakit dito ka nag- punta? Bakit di ka nalang dumiretso sa inyo?" Iritableng tanong nito. "Tanga ka ba? Gusto mong itakin ako ni nanay?" Sagot niya dito. "Tyaka nangako ka sakin na sasamahan mo ko mag sabi kay nanay." Naiiyak na si Rose ng mga oras na iyon. "Paul! Papasukin mo yang bisita mo para makaupo!" Sigaw naman ng mama nito. "Opo ma, saglit lang po." Sagot ng binata. Tiningnan muna siya ng binata saka nag kamot ng ulo na parang naaasar. "Diyan ka muna. Kausapin ko lang si mama." Pagkasabi ay tumalikod na ito at pumasok sa bahay. Naiwan naman siyang nakatayo sa ilalim ng puno. Pansin din niya ang pag tingin tingin ng mga kapatid ni Paul sa kanya kung kaya't nginitian niya ang mga ito. Maya maya ay lumabas ng bahay si Paul. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang dala niyang bag. Pinaupo muna siya nito habang ito ay pumasok sa maliit na kwarto para ilagay ang bag niya. Nang makabalik sa maliit na sala ay umupo ito sa tabi niya. "Ilang buwan na yan?" Tanong ng mama ni Paul. Kinakabahan namang sumagot si Rose. "Mag ta- tatlo po." Mahinang sagot ng dalaga. "Alam niyo na ba tong pinapasok nyo? Mga menor de edad pa kayo. Kakayanin nyo na bang mag palaki ng bata?" Tanong ulit nito sa malakas na boses. Hindi naman makatingin si Rose sa ina ng binata. Nahihiya siya dahil sa ganitong paraan nila nalaman na buntis siya. Pakiramdam niya tuloy ay napaka baba niya dahil isinubo na niya ang sarili sa binata. Lalong nakakahiya kapag kumalat sa buong baranggay na siya ang nag punta sa bahay ng binata upang panagutan nito ang pinag bubuntis niya. Maging si Paul ay tahimik lamang na nakikinig. Wala man lang itong sinasabi samantalang mama niya ito at dapat siya ang nag i- explain ng lahat. "Alam na ba ng lola mo to?" Tanong nito sa dalaga. "Hindi pa po." Nag aalangang sagot ni Rose. "Oh? Anong plano nyo? Baka mamaya bigla nalang kami sugurin ng lola mo dito, naku papatulan namin siya pag nag amok siya dito!" Sabi pa ni Aling Maris, ang mama ni Paul. " Sabi po kasi ni Paul sasamahan niya ko kay nanay." Sagot ni Rose. "Oh ikaw!? Ginawa mo yan kaya panindigan mo yan. Samahan mo yan sa lola niya. Sa ngayon diyan na muna kayo sa isang kwarto, yung dalawang kapatid mo palipatin mo na sa kabila." Pagkasabi ay tumayo na ito. "Sige na Rose, pumasok ka na sa loob para makapag pahinga ka at ako tatapusin ko lang yung labahan ko dito." Dugtong pa nito. "Sabi ko sayo mabait ang mama ko eh." Ani Paul sa kanya ng makalabas na ang ina. "Tse! Hinayaan mo lang ako mag- salita ng mag- salita." Nagtatampong sabi ni Rose. "Ano ka ba, siyempre kailangan yun para maging close kayo ni mama." Pagpapaliwanag pa ng binata pero hindi ito tinanggap ng dalaga. Nakasimangot itong tumayo at tinanong kung saan ang kwarto nila. Sinamahan naman siya ng binata sa isang maliit na kwarto. Wala manlang ka ayos ayos ang kwartong iyon at maging ang mga unan ay halatang madudumi na. "Huwag ka na mag inarte, ikaw naman ang may gustong pumunta at tumira dito sa bahay eh." Sabi pa ni Paul. "Bakit? Wala naman akong sinasabi ha." Salag niya sa binata. "Wala nga, eh yung muka mo naman halata." Sabi pa nito. "Para namang sinabi mong maarte ako? Mag-pa pa katulong ba ako kung maarte ako?" Ani Rose. "Bahala ka diyan. Matulog ka pag inantok ka." Ani Paul sabay higa sa higaan. Napasimangot naman si Rose. Ni hindi manlang siya niyaya nito kung gusto ba niyang magpahinga. Dahan dahan siyang naupo at kinuha ang mga gamit sa dala dalang bag. Tumutulo ang mga luhang iniisip kung tama ba ang naging desisyon niya? Isa lang ang alam niya, hindi niya gustong maging katulad niya na walang kinalakhang magulang ang batang dinadala niya. Ang dream niya ay isang masaya at kumpletong pamilya. Gusto niyang lumaki ang magiging anak niya sa isang pamilya na punong puno ng pagmamahal. Kahit anong mangyare ay pipilitin niyang tuparin ang pangarap na iyon para sa anak. Dahil siya higit sa lahat ang mas nakaka alam kung gano kahirap ang lumaki na malayo sa mga magulang. Hindi manlang niya naranasan ang pagmamahal ng isang ina at ama. Maging ang mga taong kumupkop sa kanya ay wala ding pinadamang pagmamahal sa kanya. Sa halip ay bukambibig ng mga ito ang napaka laking utang na loob niya sa kanila dahil sa pagpapalaki at pagpapaaral sa kanya na kung tutuusin ay hindi naman siya makakapagtapos kung hindi rin siya nag pursige. Napapailing na lamang niyang tiningnan ang binata habang natutulog. Hindi niya alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanya. Suntok sa buwan na lamang itong ginagawa niya. Hindi niya rin naman kasi maaatim ang ipalaglag ang sanggol sa sinapupunan. Alam niyang wala pa siya sa hustong gulang pero nasa matino naman siyang pag iisip. Marahil ay para sa ibang tao ay isa lamang siyang bata. Pero para sa kanya ay matured na ang utak niya dahil sa dami ng pinagdaanan niya. Diyos ko, kayo na po ang bahala sa akin at sa magiging baby ko. Sana po ay tama ang naging desisyon ko. Huwag niyo po sana hayaan na may mangyayaring masama sa amin at sana hindi magalit si nanay sa akin. Pagdarasal ng dalaga pag katapos ay nag sign of cross pa ito. Mabuti na lamang at talagang matapang ang dalaga. Sa dami ng pinagdaanan nito sa murang edad ay pinagtibay na ito ng panahon. Kung kaya't ganon siya mag isip. Isa lang ang nasisiguro niya. Desidido na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya. Isang pamilya na matatawag niya kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD