Chapter 7

1992 Words
2012 Hatinggabi na at ramdam na ni Rose ang pagkalam ng sikmura. Eto na naman siya nag titiis ng gutom dahil ang napaka galing niyang asawa ay siguradong nasa inuman na naman. Kanina pang almusal ang huling kain niya ng matino. Lalo pang humahapdi ang kanyang sikmura dahil dumedede sa kanya ang kanyang anak. Wala manlang siyang ka pera pera at ang inaasahan niyang gagawa ng paraan ay hindi mo talaga maaasahan. Marahil ay iniisip nitong nakikain na siya at ang anak sa kabilang bahay. Ngunit hindi niya iyon ginawa, hindi na niya gustong maging dagdag sa palamunin ng pamilya nito lalo na at hindi niya gustong may masabi ang ina nito sa kanya kung kaya't heto siya at nag tiyaga na lamang sa kakapiranggot na lugaw na niluto niya. Pinagmasdan niya ng maigi ang nahihimbing na bata habang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Sobrang sakit ng ginagawa sa kanya ni Paul. Saan ba siya nagkamali? Binigay naman na niya ang lahat lahat ng kaya niyang ibigay. Halos hindi na siya nagtira sa kanyang sarili. Napakuyom siya ng kanyang palad ng maalala ang nangyare sa pangalawang baby nila. Pagkatapos makunan ay nagawa pa siyang sisihin ng ina ng lalaki. Lalong umagos ang mga luha sa kanyang pisngi dahil sa nararamdamang kirot sa kanyang dibdib. Hindi niya ginusto ang nangyare pero siya pa ang nasisi sa huli. Pakiramdam niya ay wala siyang kakampi sa lugar na ito, pinagkakaisahan siya ng lahat! Napapahikbi siya sa isiping iyon. Simula noon, noong iniwan siya ng mga magulang dahil sa paghihiwalay ay nawalan na siya ng kakampi. Lumaki siyang bukambibig sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya na kung hindi dahil sa kanila ay malamang wala na siya sa mundo. Kasalanan ba niya? Kasalanan ba niya ang nangyare sa pamilya niya? Wala siyang kinalaman sa mga pangyayare dahil musmos pa lamang siya noon. Minsan ay naiisip niya na mabuti pa siguro kung hinayaan na lamang siya ng mga ito na mamatay sa gutom. Dahil kung nagkataon ay hindi niya pagdadaanan ang ganito ka saklap na buhay. Ramdam niya ang hirap sa pag hinga dahil sa kanyang pag iyak. Pakiramdam niya ay pinipiga ang kanyang puso kung kaya't ilang beses niyang pinukpok gamit ng nakakuyom na palad ang kaliwang parte ng dibdib. Diyos ko? Ano po ba ang naging kasalanan ko at kailangan nyo po akong parusahan ng ganito? Umiiyak niyang bulong sa sarili. Sawa na siya sa buhay na ito. Gusto na lamang niyang mag laho ng parang bula para hindi na niya maramdaman ang ganitong klaseng pait at sakit. Minsan ay naiisip niya, paano kung hindi niya itinuloy ang pagbubuntis at hindi na nakisama sa lalaki? May magbabago kaya sa buhay niya? Walang tigil ang kanyang pag iyak. Madami siyang pangarap sa buhay. Gusto niyang makapag tapos ng pagaaral makapag trabaho ng maayos upang hindi pag daanan ng kanyang magiging mga anak ang kahirapang pinagdaanan niya. Ngunit lahat yun ay hindi niya maabot. Maging ang isang masaya at nagmamahalang pamilya ay tila kay hirap tuparin. Napatigil siya sa pag iyak at pinunasan ang mga luha. Ilang segundo siyang napatingin sa kawalan. Maya maya ay dahan dahan siyang tumayo at may kung ano'ng kinuha sa kusina. Isang mahabang tali ang dala dala niya at itinali sa mataas na bahagi ng kanilang bahay. Isinabit niiya ito doon at siniguradong matibay ang pagkakatali habang siya ay naka tungtong sa ibabaw ng upuan. Muling umagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Ayaw na niya! Suko na siya! Hindi na niya gusto pang mag tuloy tuloy ang sakit na nararamdaman. Akmang isusuot sa kanyang leeg ang tali ng biglang umiyak ang anak na nasa kanyang likuran. Bigla siyang natigilan at nilingon ang umiiyak na bata. Dahan dahan pa itong bumango sa pagkakahiga at nagsimulang gumapang sa kanyang kinaroroonan. Umiiyak na bumaba siya sa upuan at pinuntahan ang kanyang anak. Agad niya itong kinarga at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry baby ko" aniya na tila naiintindihan siya ng kanyang anak. Pinagsisihan niya ang kanyang binalak gawin. Hindi niya akalaing napaka selfish niya. Inisip niya lang lahat ng sakit na nararamdaman niya at panandaliang makalimutan si Lester! Saka niya lang napag tantong mas magiging kawawa ang anak niya kung maiiwan itong mag isa sa walang kwenta at iresponsableng tatat niya. Hindi niya hahayaang mangyare iyon sa anak! Sisiguraduhin niyang ilalayo niya ang anak sa ganitong klaseng buhay. Hindi siya makakapayag na kalalakihan nito ang ganitong sitwasyon. Muli niya itong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. "I'm sorry Lester, promise ni mama hindi mo mararanasan ang ganitong kahirapan sa buhay. Gagawin ko lahat para ma provide lahat ng gusto mo." Sabi pa niya dito. Akala mo naman ay nakakaintindi ang bata dahil nakangiti pa itong hinawakan ang kanyang pisngi. Buo na ang kanyang desisyon. Hindi niya sasayangin ang buhay dahil lamang sa walang kwentang lalaki. Mag ta- trabaho siya muli at sisiguraduhin niyang magiging maayos ang kalagayan nila! Present "Mama," napabangon si Rose sa bahagyang pag yugyog sa kanya ng anak. Nang magdilat ng mata ay saka niya napagtanto na nakatulog siya habang nakaupo sa gilid ng kama na hinihigaan nito. Bigla niyang naalala na may sakit ang anak kung kaya't agad niyang kinapa ang noo at leeg ng binatilyo. Hindi na ito mainit pero para maka siguro ay kinuha niya ang thermometer at kinuha ang temperature nito. Thirty six point six. Nakahinga naman ng maluwag si Rose. "Wala ka ng lagnat." Sabi pa niya habang binabalik ang thermometer sa pinagkunan niya. "Nagugutom na po ako ma." Reklamo ng anak. Tiningnan niya ang orasan na nakasabit sa ding ding. Pasado alas dose na pala, hindi niya na namalayan dahil nakatulog din siya. Lumapit siya sa ref at tiningnan kung ano ang pwede niyang maluto doon. Wala na rin palang laman na stock ang ref nila. Kumuha lamang siya ng isang balot ng noodles para maluto agad. Nag laga din siya ng apat na itlog at ng maluto ay pinagsaluhan na nila ng anak. "Mama sorry po." Sambit ni Lester. "Sorry saan?" Nagtataka namang tanong ni Rose. "Kasi nagkasakit po ako. Alam ko pong ayaw niyong nagkakasakit ako at marami na kayong ginagawa tapos aalagaan nyo pa po ako." Paliwanag ng anak. Bahagya namang napangiti si Rose sa sinabi ng anak pagkatapos ay inabot ang ulo at ginulo ang buhok nito. "Madrama na ang anak ko, akala ko pa naman ako lang artistahin dito." Natatawa niyang sabi. "Huwag mo kong alalahanin nak, basta ipangako mo sakin na mag aaral ka ng mabuti at huwag papabayaan ang sarili. Wala na akong ibang hihilingin pa." Nakangiti niya sabi sa anak. Tumango naman ito bilang pagsangayon. "Sige na kumain ka na, mamaya mag grocery ako para may stocks tayo. Lista mo kung may mga papabili ka sakin para hindi ko makalimutan." Nakangiti niyang wika. Natutuwa siya kapag ganito ang anak. Minsan kasi ay may pagka loner din ito. Introvert person, walang masyadong kaibigan at pili lang. Mas gusto nitong mag stay sa bahay at mag laro sa cellphone kesa sumama sa mga kaibigan na nagyayaya sa kanya. Mabuti na lamang at hindi ito nagmana sa ama na isang tawag lang at paniguradong nasa galaan na. Pagkatapos mag hugas ng pinagkainan ay nagpaalam muna siya sa anak upang magpunta sa malapit na grocery. Kailangan na niyang mag replenish ng stocks nila para sa mga susunod na araw. Suot suot ang isang loose shirt na naka tuck in sa highwaist tattered jeans na shorts at puting tsinelas ay nilisan niya ang bahay. Bago pa man sumakay sa elevator ay isiunot niya ang itim na sunglasses. Nakikinig siya ng music habang suot ang bluetooth headset sa kanyang tenga. Nang bumukas ang elevator ay napansin niya ang gwapong binata na sakay noon. Hindi na niya pinindot ang ground floor button dahil don rin ito papunta. Hindi niya alam kung nag iimagine lang ba siya o talagang malakas ang pakiramdam niya pero talagang feeling niya ay nakatitig ito sa kanyang likuran. Ayaw naman niyang lingunin ito at baka pag isipan pa siyang may gusto dito. Palabas na siya ng elevator ay narinig niya ang notification sa kanyang phone kung kaya't kinuha niya ito sa kanyang bulsa at agad lumabas na. Si Lester ang nag chat. May pinapabili itong kailangan niyang materials para sa project nito sa Science. Nagmamadali na siyang sumakay sa tricycle upang makapunta agad sa patutunguhan. Nang mag babayad na ay saka lamang niya napag tantong wala ang kanyang wallet sa bulsa! Napasapo siya sa noo at chineck kung may barya siya sa mga bulsa at sa pasasalamat niya ay mag isang daan na nakatupi doon. Mabuti na lamang talaga at mahilig siya mag suksok ng pera kung saan. Kung hindi ay siguradong mapapahiya siya ngayon. Samantala, papunta si Enzo sa kanyang bar ng may pamilyar na babae ang nakasabay niya sa elevator. Ngunit hindi niya nasisiguro kung ito nga ang nakita niya dahil sa suot na sunglasses. Tahimik lang niya itong pinagmamasdan ngunit maya maya ay bigla nalamang na laglag ang wallet nito ng kunin ang phone sa kanyang bulsa. Tila hindi naman iyon napansin ng babae dahil sa may suot itong headset. Marahil ay hindi nito narinig ang pagbagsak nito. Sinubukan niyang habulin ang dalagang nakasabay pero hindi manlang nito narinig ang kanyang pag sigaw. Binuksan niya ang wallet nito at nakita ang ilang Id's at atm nito. May ilang libo din na naroon. Kinuha niya ang ID at agad na tiningnan ang pangalan ng babae. Rose Ventura. At nagulat pa siya ng makita ang mukha nito. Siya nga yung babaeng nakasabay niya sa bus kaninang umaga! Napapangiti siyang kinuha ang contact number na naroon sa likod ng ID nito at dinial iyon sa kanyang phone. "Hello?" Bungad ng babae sa kabilang linya. "Hi, is this Rose Ventura?" Tanong niya sa baritonong boses. "Yes, speaking." Sagot naman ng nasa kabila. "Who's this?" Dugtong pa. "I'm Enzo, you actually drop your wallet in the elevator. I have it." Narinig naman niya ang pag pakawala ng isang malalim na buntong hininga ng dalaga sa kabilang linya. "Ayy naku salamat po. Akala ko hindi ko mahahanap yan. San ka ngayon? Pwede ka bang puntahan ngayon?" Tanong nito. "I'm actually on my way to the bar but I can it drop it for you. Where's your location?" Tanong niya dito. Ibinigay naman ni Rose ang location ng grocery store. Paniguradong alam ito ng lalaking nakapulot since nasa isang condo lang naman sila nakatira. Maya maya ay napansin ni Rose ang pag hinto ng isang sasakyan sa kanyang harapan. Mula dito ay bumaba ang gwapong binata na nakasabay niya kanina sa elevator. Hindi niya akalaing ito ang nakapulot sa wallet niya. "Hi," nakangiting bati nito ng lunapit sa kanya. "I'm Enzo" sabay abot ng kamay. Nag aalangan man ay tinanggap niya ang palad nito at nakipag shake hands. "Rose." Matipid niyang sagot. "Here.. sorry I had to check your ID pero wala akong kinuha diyan." Natatawa naman nitong sabi. Lalo itong naging gwapo dahil sa paglitaw ng mga dimples nito sa magkabilang pisngi. Halos mawala din ang mga mata nito ! "Sure, muka namang mas mapera ka sakin." Nakangiti niyang sagot. "By the way thank you for returning this. I appreciate it, pano ba ko makakabawi sayo? You want some coffee? I'll treat you." Sabi pa niya. Ayaw naman niyang magkaroon ng utang na loob dito kaya minabuti niyang ibalik iyon sa ibang paraan. "I'd love to but, I'm in a hurry now. Maybe I'll just send you a message once I'm free." Pagkasabi ay ngumiti itong muli. "Ganun ba, sige salamat. Pasensya na ulit sa abala." Nahihiya naman niyang sabi. Nagmamadali pala ito pero dahil sa katangahan niya ay naantala pa ito sa pupuntahan. "It's ok, I'll text you ok?" Pag kasabi ay kinindatan pa siya nito at agad ng pumasok sa sasakyan. "See you soon, Rose." Sabi pa nito bago paandarin ang sasakyan. Naiwang napapailing si Rose sa gawi ng binata. Ibang klase, presko pero cute!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD