Chapter 21: Avoiding

2155 Words
Lola's POV Para akong masusuka nang wala sa oras. I was hurting myself for letting my eyes witness such scene. Bakit nga ba ganito? Alam ko naman na babaero si JD e. Alam na alam ko ang likaw ng bituka niya pero bakit sobrang hirap huminga? Para akong mabubugtuan ng hininga habang pinagmamasdan ko silang nagyayakapan. If this was a movie, it will be the only movie that will hurt me the most. Sa sobrang sakit ay hindi na ako makakabangon pa. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit ganito? Bakit masakit? Wala naman akong karapatan na masaktan, 'di ba? Wala akong karapatan na umiyak. Wala talaga. Pero bakit ang kulit ng puso ko? Bakit mas gusto niyang masaktan? At sa lahat pa ng lalaking mapipili ay bakit si JD pa? 'Magising ka nga, Lola!' saway ng isipan ko. 'Fake lang ang lahat sa inyo ni JD. Iyan ang tatandaan mo! Huwag mong kawawain ang sarili mo. He's not worth of your love!' I kept on reminding myself. Pero walang saysay ang mga iyon. The moment was too cruel for me pero hindi ko pa rin magawang kumawala. Hinahayaan ko lang ang sarili ko na lamunin ng lungkot. Sino nga ba ang niloloko ko? Sarili ko lang din. Matagal ko nang sinasabi na sarili ko na kaya ko 'to ginagawa ay dahil pabor lang ito para kay Scarlet. Pabor sa aking pagsikat. Ako na babaeng walang kyeme na sinasabing kayang paglaruan ang mga lalaki sa aking palad ay ang mismong napaikot na parang trumpo ni JD. Dahil ang isang tulad niya ay ang tingin sa mga babae ay accessory at parausan. Masyado akong nalulunod sa eksenang iyon. Na kahit ang familiarity ng babae na kayakap niya ngayon ay napasawalang bahala ko na lang. The mere fact that I could see JD's concern lingering in his eyes made my heart quench in pain. He has never looked at me that way before. Ang unfair lang. Ako kasi iyong fiancee niya e. Ako iyong tumatayong kabiyak niya. Bakit siya naroon at kasama ang ibang babae? Wala ba siyang awa sa akin? Hindi ba siya concern sa kung ano ang mararamdaman ko? Paano na ang career ko? Ano ang mukhang maihaharap ko sa mga tao? Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako nang matagal doon. Hanggang sa may isang kamay ang dumaiti sa pisngi ko. Doon ko lang napansin na may tubig doon. Nang lumingon ako ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Jaxx. He was wiping my tears. "Please stop this..." pakiusap niya. "Don't cry." That night was long. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ako umalis sa lugar na iyon. Napagpasyahan na lang namin ni Jaxx na mag-park sa may malapit na hindi paghihinalaan ng kahit na sino sa paligid. I settled at the back of the car. Nakasandal ako sa may trunk habang nakatanaw sa bahay na kanina ko pa binabantayan. Kanina ko pa kasi inaabangan ang pagbalik ni JD. Nakita namin silang umalis kasama ang babae na kayakap niya. They were in a hurry. Seryosong seryoso rin ang mukha niya na tila anumang oras ay iiyak siya sa sobrang kaba. At heto na naman ang lecheng dibdib ko at ayaw paawat sa pagsakit. Mukhang kailangan ko nang magpa-check up. Baka kung ano na ito. Narinig ko si Jaxx na may kinuha na kung ano mula sa loob ng sasakyan. Matapos niyon ay nilapitan niya ako at may iniabot. Dalawang beer in-can ang hawak niya at iniabot sa akin ang isa. Napatawa naman ako nang mapakla nang tanggapin iyon. Minsan ko pa itong tiningnan saka nagbalik-tanaw sa kanya. "Palagi ka bang may baon na ganito?" tanong ko. Nagkibit-balikat siya. "Nagkataon lang na kailangan natin ngayon kaya ako may ganito," tugon naman niya. "Hindi mo naman siguro ako lalasingin, 'di ba?" paninigurado ko. Mahirap na, ano? Baka mamaya ay pikutin niya ako at pagkatapos ay ipapakasal sa kanya! Advance lang talaga ako mag-isip. Napatawa naman siya saka sumandal sa trunk sa tabi ko. "Pwede ka namang hindi uminom. Your choice. Basta ako, I'll accompany you until you sober up. Alam mo na, I need this, too." Ngumiti siya nang mapakla at saka binuksan ang beer niya at tumungga. I know what he meant by that. Bahagya pa akong napayuko nang dahil doon. I felt so ashamed. Sana hindi ko na lang iyon tinanong. Namayani ang katahimikan sa paligid habang ini-enjoy namin ang beer at ang malamig na simoy ng hangin. Maya-maya ay narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Jaxx. "Pwede ba akong magtanong?" "Hmm?" "Ano bang nagustuhan mo sa kanya? Alam kong matagal mo nang alam na babaero siya, 'di ba? Pero bakit siya pa rin?" Napatawa naman ako nang dahil sa tanungan niya. Pagkatapos ay napabuntong-hininga. "Ang gwapo niya kasi e. Sorry na. Tao lang ako, marupok!" sagot ko na may halong kalokohan. "E, ikaw ba? Alam mo naman nang kami ni JD pero bakit mas pinili mo pa ring sumama sa akin? Jaxx turned and looked at me in the eye. Bahagya siyang ngumiti sa akin. "Ang ganda mo, e. Sorry, marupok din ako." Pareho kaming napatawa nang dahil doon. Funny, but it seems like nakalimutan ko na ang problema ko. ***** Kinabukasan, matamlay akong pumasok sa taping. Kaninang bumangon ako sa kama ay parang ayaw ko nang pumasok. Pinilit ko lang talaga ang sarili ko dahil napaka-importante ng scene na kukuhanan ngayon. And then there's JD, with his oh-so-irresistible smile. He walked towards me. Mukha siyang masaya. Mapait akong napangiti sa aking sarili. He must be so happy na nakasama niya ang babae niya kagabi habang ako ay pinapanood lang sila mula sa malayo. I don't even know why I'm angry. May dapat ba akong ikagalit? Wala naman, 'di ba? Walang kami. Kaya wala akong karapatang masaktan. Wala. Pero heto ako ngayon at nakaabang sa kanya habang papalapit sa akin. Habang tumatagal ay nanghihina ang tuhod ko pero mabuti na lang ay nakahawak ako sa pader kung saan ako malapit kung hindi ay kanina pa ako nabuwal sa sahig. When he reached in front of me, he widened his smile and pecked a kiss on my lips. Hindi ako kaagad nakapag-react. Gulat na gulat pa rin ang expression ko. Gosh, ano bang nangyayari sa akin? Sobrang lakas na ng epekto niya sa akin. Tila nakukuryente na ako nang husto dahil sa simpleng halik na iyon. I looked to my side and saw the envy in Gaia's eyes. Nakikita ko ang inggit at ngitngit niyang galit sa aking direksyon. Tila nabuhayan ako ng dugo at napaismid nang palihim at binigyan ng pagkatamis-tamis na ngiti si JD. "Hi, babe!" "Did you eat already? Baka mamaya nag-skip ka na naman ng breakfast, ha?" he asked sounding so concerned. "Aw, that's so sweet of you to ask!" tugon ko naman at nilakasan ko pa para dinig na dinig ni Gaia para lalo siyang mamatay sa inggit! "I already ate my breakfast kasi alam kong papagalitan mo na naman ako. Anyway, good luck sa taping natin today, babe!" I returned the kiss and took a quick glance at Gaia. I gave her my mocking smirk at her. Iinggitin kita lalo ngayong araw na 'to! As usual, ang inggitin si Gaia sa set ang most prioritized ko for today's video! Kapag magkasama kami ni JD, talagang sasadyain ko na maging sweet kaming dalawa pero kapag off cam na, agad-agad kong tatalikuran si JD at hindi na papansinin pa. Kung dati ay magpapaalam si JD sa akin na aalis o 'di kaya magsusungit muna, ngayon, ako na ang unang umiiwas at nagpapanggap na parang hangin lang si JD. Kaagad kong inaalisan si JD at kapag magte-text siya ay hindi ko pinapansin o nire-reply-an man lang. Hanggang sa pag-uwi ay iyon ang ipinaramdam ko sa kanya. Ako na rin ang nagpresinta na umuwi nang maaga pagkatapos ng isa kong interview magmula sa taping. Tadtad ako ng text at missed calls. I could even hear JD calling me one time pero hindi na siya nakasingit pa sa schedule ko. Schedule para iwasan siya buong araw! Pagsapit ng gabi, sinubukan kong maging productive ang oras ko. Ayaw na ayaw ko talagang nababakantehan ako para lang isipin siya. No way! So, I made myself busy through my vlogging. I decided to have a live cam. Of all the things I hated, live cam ang pinakaayaw ko sa lahat. Why? Because I hate it when other people see my mistakes. Natatakot ako na i-bash na naman nila ako pero ngayon, wala na akong pakialam. Nag-retouch lang ako ng make-up ko kahit na nasa harapan na ako ng live broadcast. People were seeing me doing my make-up on live cam. "Hi, Lolalicious! It's my first time to do live cams! Nagulat ba kayo?" Napatawa ako sa harap ng camera. People wouldn't notice how I was holding up with the kind of smile I was trying to show them. Unti-unti nang dumadagsa ang live comments ng mga fan ko sa screen. I was just using my smartphone with this live stream. Nakakatuwa pa rin pala ito kahit papaano. Nag-aabang din pala sila sa live ko sa ganitong oras. I greeted some of my fans as their messages flashed on my screen. "The reason why I started this live stream..." pag-uumpisa niya, "is that I wanted to do a live confession reading. Gusto n'yo ba no'n?" I asked. And as expected, lahat silang fans ko ay nagwawala na sa comm-sec at hindi na makapaghintay na magbasa ako ng letter. May kinuha ako mula sa hunos ng vanity set ko. Isang papel at winagayway ko ito sa screen. When I opened it, all I can see is my own writing na ang nakalagay lang ay scripts ko noong nakaraang project ko. I just smiled at the camera. "Are you ready?" I cleared my throat and started fake-reading. "Hi, Miss Lola! I'm one of your fans ever since you started to boom in showbiz industry po. You can call me Lily..." I stated as though I was reading it from the paper I was holding. "Gusto ko lang i-share ang kwento ko sa iyo. There was this guy that I really don't know if I liked. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay nasasaktan ako ngayon. Nakita ko kasi siya na may kasamang ibang babae. Wala namang kami. Actually, hindi naman talaga niya ako kilala. I mean, kilala niya ako pero alam kong sukdulan ang inis niya sa isang tulad ko. Ang pagkakakilala niya kasi sa akin ay isa akong masamang babae. Maldita, masama ang ugali, taklesa, at masungit. "Lagi kaming nagbabangayan. Lagi kaming nagkakasalubong ng opinyon. At ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako magkakagusto sa kanya. Pero something happened. Something changed. Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula pero I think nangsimula ito noong sinabihan niya akong maganda ako kahit through text lang. Siguro nagsimula ito noong nginitian niya ako kahit na pagpapanggap lang para hindi malaman ng lahat na magkaaway kami. Hindi ko talaga alam. "Isang araw, nagising na lang ako na nakakakaba na siyang titigan. Nakakakaba nang mapalapit sa kanya. Kahit na gusto niyang mapalapit sa akin, ako na ang umiiwas. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin. Nahihiya ako. Kinakabahan..." mahabang salaysay ko. Napaharap ako sa screen at sinabi ito, "Miss Lola, ano po ba itong nararamdaman ko? Normal pa ba ako? Normal lang ba na kabahan ako tuwing magkasama kami ng enemy ko? Pa-advice naman po. Salamat..." pagtatapos ko. Napasimangot ako. "Hmm... Lolalicious, ano sa tingin ninyo ang dapat na i-advice natin kay Miss Lily? Ano ba ang dapat niyang gawin? You can type your advice in the comment section at mamimili tayo ng maswerteng advicer para makatanggap ng premyo! Anyway, thank you for watching, Lolalicious! See you for the next video!" Agad-agad kong pinindot ang end button at nakahinga nang maluwag. Agad kong sinampal ang sarili ko. Shuta! Anong pinaggagawa ko sa buhay ko? Gusto ko na bang mamatay nang maaga? Bakit sa lahat ng ikukwento ko ay iyon pa? Napangiwi ako sa sobrang kahihiyan sa sarili ay patuloy na pinupukol ang ulo ko. "Bwisit ka talaga kahit kailan, Lola! Pahamak ka!" Sino ba namang hindi maiinis? Ikinuwento ko lang naman ang sarili ko sa mga fan ko! Nagkukwento pa ako ng sitwasyon ng isang babae na may gusto sa isang enemy niya. Pa-as-if as-if pa ako, e, ako pa rin naman 'yun! Nagsimulang mag-flash back sa akin ang dahilan kung bakit ako nai-stuck sa isang lalaki na tulad niya. Nang dahil lang sa prank ko at ipinakilala si JD bilang fiancee ko, nagkandagulo-gulo na ang buhay ko. Mas magulo pa sa bvlbvl! Pagkatapos ng live na iyon ay napailing na lang ako. Nagpasya na akong maghanda sa pagtulog. I removed all my make-ups and applied skin care products. Pahiga na sana ako hanggang sa makatanggap ako ng isang text message. Curious akong nagbukas ng cellphone at doon napatulala sa screen. JD: Are you avoiding me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD