Lola's POV JD left the room after giving me that hot morning kiss. Literal na iniwan niya akong tulala sa kawalan at hindi pa makahuma sa halik niya. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito? "Bwisit! Ano bang ginagawa mo, Lola? Hindi na 'to tama!" asik ko sa aking sarili. Napagpasyahan ko na lang na mag-ready. Ngayong araw kasi ang first day ng taping namin sa Indonesia. Laking pasasalamat ko naman at naging abala na si Tita Jet at Michelle sa kaaasikaso sa akin. Hindi na nagkaroon pa ng oras si JD na kulutin ako dahil abala na rin siya sa pagre-rehearse ng mga linya niya. Buong araw ang naging taping at halos wala kaming pahinga. Pagkabalik sa suite ay nananakit na ang likuran ko. Magpapa-massage talaga ako pagdating sa Pilipinas. Ang tagal na rin mula noong h

