Hindi mapakali si Dhane ng napansin na iniwan na pala siya ni CJ at maging si Reslyn ay nagulat dahil hindi man lang nagpaalam sa kanila na aalis siya. Kaya tumayo na kaagad sina Dhane at Reslyn para hanapin si CJ sa labas ng canteen hanggang sa makarating silang dalawa sa ground floor. Nakasalubong pa nila sina Iamy at Shaun na magkahawak-kamay na naglalakad sa hallway at papalapit ngayon sa kanila. “Hi, Iamy!“ nakangiting bati ni Dhane. “Hello, Dhane. Hi Reslyn,“ nahihiyang bati nito sa kanilang dalawa. “Kamusta ka na, Reslyn?“ baling na tanong ni Shaun sa kanya at pinakatitigan lamang nito sa kanyang mga mata. “Hello guyys.. I’m good!“ alanganin ang ngiti ni Reslyn at kaagad binawi ang tingin kay Shaun. “Iamy, nakita mo ba si CJ?“ singit na tanong ni Dhane para mawala ang tensyon

