Napatulala na lamang sa kawalan si Iamy ng sampalin siya ni Czarina para tuluyang magising. Kaagad siyang pinainom nito ng tubig para mahimasmasan sa masama nitong panaginip. “Girl, kalma ka lang ha huwag mong masyadong dibdibin iyon, at matulog na tayong muli, okay? Magdasal ka muna bago matulog. Inaantok pa talaga kaya matulog na ako. Goodnight.“ muling humiga si Charry at natulog. Naiwan si Iamy na nanatiling gising at iniisip mabuti ang kanyang panaginip. “Ano kaya ang ibig sabihin ng pagiging demonyo ni Shaun sa aking panaginip? Bad guy ba si Shaun?” Sinulyapan nito ang kanyang cellphone, pero wala naman itong mensahe para sa kanya. Bumalik na lamang s’ya sa kanyang higaan, at muling ipinikit ang mga mata para matulog. Pero rumirihestro na naman ang kanyang masamang panaginip. No c

