Nagulat si Reslyn ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran dahil ang buong akala niya mag-isa lang siya sa lugar na pinagtataguan. “Shaun!?“ ang tanging nasambit ni Reslyn pagkatapos niyang marinig ang kanyang litanya. “Mas masakit kung ipilit mong mahalin sa lihim ang lalaking pag-aari na ng iba. Subukan mong tumingin sa paligid at makikita mo rin ang taong karapat-dapat sa iyo.“ “Tama na ang minsan akong nasaktan, ayokong maulit pa dahil sa katangahan kung iyon." “So, ano na lang ang gusto mong gawin? Pagluluksa mo ang lalaking iyon? C'mon Res, get up! Let's have some fun para hindi ka masasaktan kalimutan mo na ang lihim mong pagtingin para sa kanya dahil masaya na siya sa babaeng totoo niyang minahal“ Hindi tuminag si Reslyn pero inabot naman niya ang kamay ni Shaun na handan

