Araw iyon ng Sabado kaya may panahon pa si Railey na magpahinga muna sa bahay bago bumalik muli sa pag-aaral pero pinagbawalan muna siyang maglaro ng basketball. Kaya bagot na bagot ang kanyang weekends dahil hindi naman siya makalabas ng bahay. Mabuti na lamang at dinalaw siya ni Reslyn sa kanilang bahay at least may nakakausap na siyang iba maliban sa kanyang ina at mga katulong. Bumungad si Reslyn sa may pinto ng kanyang kwarto. “Babe, good morning. Bakit di ka pa nagbibihis kailangan na natin pumunta ngayon sa therapy session mo?“ lumapit kaagad sa kanyang kasintahan at inalalayang makabangon. “I’m sorry babe. Nakalimutan ko na mayroon akong therapy session ngayon at hindi rin nabanggit ni mommy sa akin kagabi. Just wait for me downstairs at maliligo lang ako kaagad,“ nagmamadaling p

