Pagkatapos ihatid ni Railey si Reslyn sa school building nito, ay kaagad na s'yang dumiretso sa school gym kung saan idinaos ang kanilang meeting. Kasama nila sa meeting ang mga Sophomores Cheering Squad,na mag-represent sa kanilang team during the Intramurals Basketball competition.
They are selected sophomore students from different departments and all of them are talented students who passed from their rigid screening and then proper training, as well as the enhancement of their skills.
Nag-umpisa na ang meeting ng makarating si Railey, kaya kaagad pinakilala siyang muli ni Coach Tony sa Cheering Squad at sa bagong teammates nito. “Guys, nandito na rin sa wakas ang ating Team Captain, mula sa Engineering department, Railey De Guzman." He got a round of applause from them. "Where have you been dude?“ Coach Tony asked.
“I’m sorry talaga Coach Tony, hinatid ko muna sa kabilang building si Reslyn, kaya medyo na-late ako coach. Alam mo na makupad kasi ang babaeng 'yon,“ pabirong sagot ni Railey.
Kinantyawan pa ng kanyang mga kabaro at binansagan na siyang Andres de saya, dahil takot ito kay Reslyn at sinusunod lahat ang kagustuhan nito. Pero lingid naman sa kanilang kaalaman na magkababata lang naman talaga silang dalawa.
“Tol, nagpaalam ka ba sa kanya na mga chicks ang kasama mo ngayon, baka magselos pa iyon?" nakangising tanong ni Dhembert.
"Actually, no but I guess she'll understand."
"Nako! Kilala ko si Reslyn kung paano magselos, baka malambitin ka niyan talaga sa poste ng Meralco,“ pang-aasar na dugtong pa ni Rendell at binubuntutan pa ng malakas na tawa.
“G*go! Mabait ‘yon di katulad ng girlfriend mong praning at selosa,“ ganting biro naman ni Railey.
“Tol, single and available pa ako kaya malaya ko pang mamahalin si Charry baby,“ sabay kindat nito sa nakangiting si Czarina.
Nagtaas ng kamay si Coach Tony, para matigil na ang asaran sa grupo. “Hindi ko kayo pinatawag para lang sa mga kabulastugan ninyo sa mga babae, mahiya naman kayo, dahil may mga bisita tayo ngayon."
Tumingin si coach Tony sa mga cheering squad na nakatayo, "Sila ang mga selected Sophomore students, na mag-represent ng ating Team," nakangiting sabi ni coach Tony.
"Nais kong ipakilala sa inyong lahat ang koponan ng Sophomore basketball team, 'Spc Stallions' ang pangalan ng ating team." Pagpapatuloy nito at ipinakilala na ang bawat players.
“Everyone meet our Team Captain Railey De Guzman at ang mga teammates nito. This is Rendell Dela Cruz, 23 years old, from Engineering and his usually at the center kasi matangkad siya." Tumayo si Rendell at nakikipag kamay sa mga cheering squad members.
"Ito naman si Jefty Roda, 23 years old, from College of Education at siya ang ating power forward dahil matangkad, malakas din na halos katulad ng kakayahan ni Rendell." Ngumisi lamang si Jefty at kumindat pa kay Menchie.
"Si John Dhembert Laban, 22 years old, from College of Engineering at siya naman ang ating small forward. Daniel Dhane Lacerna 23 years old, from College of Law, our shooting guard while Xerxes Montesor, 23 years old from College of Education and Dux Donovan, 22 years old from College of Law are the point guards,” kumaway lamang ang mga boys ng ipakilala sila isa-isa ng kanilang coach.
“Team, I would like you to meet our 'Spc Babes Cheering Squad', Sophomore students from different departments. Iamy Canonigo will be our Team Muse,“ pagpapakilala naman ni Coach Tony sa mga Cheering Squad members ng team.
“I'm so proud to be your team Muse, kasi hindi po lahat ng cheerleader ay nabibigyan ako ng pagkakataon na maging Muse, kaya thank you po talaga coach Tony,“ masayang sabi ni Iamy at tumingin pa kay Railey na may ngiti sa kanyang mata.
“Small world! Hindi ko rin akalain na magkikita pa tayong muli Iamy, pasensya na talaga sa nangyari kahapon hindi man lang kita natulungan,“ hinging paumanhin ni Railey pero labis na nagtataka ang lahat dahil sa sinabi nito.
“So, talagang magkakilala kayo ni Iamy? Kailan mo pa nakilala ang chikababes na iyan?“ seryosong tanong ni Rendell.
“Actually, yes. Nabangga ko siya kahapon sa may simbahan kaso hindi na kami nakapag-usap dahil nagmamadali si Reslyn,” napakamot na lang sa kanyang ulo si Railey.
“No! It’s my fault Railey, kaya sorry din kasi medyo lutang ako kahapon at nagmamadali akong habulin yung manloloko," she blurted out with a laugh.
“Don’t mind it too much, Iamy. You’ll be seeing her anytime, kasi dito lang din s'ya nag-aaral pero sa kabilang building.“
"Humihingi rin ako ng sorry kay Reslyn, medyo badtrip yata siya sa akin kahapon,"
"Nah, she’s fine! Don't worry."
“Ahhh! Okay,“ tipid na sagot ni Iamy at kaagad inilayo ang tingin kay Railey.
“Eh hindi ko na pala kailangang ipakilala kay Railey si Iamy, dahil magkakilala na kayong dalawa. Ang mabuti pa bigyan n'yo nalang kami ng sample habang magpakilala kayo sa amin, in your introductory cheering style.“ Patuloy na sabi ni coach Tony at una niyang tinawag si Iamy Canonigo, bilang Cheerleader of Spc Babes Cheering Squad at ang Muse ng kanilang team.
“We are the Spc Babes Cheering Squad!” Simula ni Iamy sa mataas na boses. “I'm Iamy Canonigo, 22 years old, a Sophomore student from the College of Education,“ swaying her hips from left and right then raising up and down her pom poms. “Hey! Go Railey! Kapag mananalo kayo magda-date na tayo!!“ shout-out nito sabay kindat.
Gulat man si Railey, sa introduction ni Iamy Canonigo, ay napangiti na lamang ito. Kaya umuugong na ang kantyawan sa mga boys dahil kaagad naman na sumunod si Menchie Fortaleza. She walk like a model at the center of the court.
“Hi I'm MENCHIE FORTALIZA, 23 years old, Sophomore and HRM student! I'm chubby but yummy... Go, go! lang fafa Jefty, go go bebe Railey. Go go..at i-shoot muna ang ball..Awh!!!“ she's jumping, tumbling and split while pouting her lips. Pagkatapos ay dahan-dahang tumayo tsaka kinuha ang banner, iwinagayway at muling sumigaw. “Go, go.. Railey and Jefty ilampaso ninyo ang mga kalaban, I ♥ U!“
Tawang-tawa naman si Jefty Roda, dahil sa ginawang exhibition ni Menchie. Kasi ang galing nga naman nitong tumambling at mag-split. Ang sumunod na nagpakilala ay si Czarina Gordora.
“Ahmm, Hi Czarina Gordora here, Charry for short na lang para di kayo mahirapan na bigkasin ang pangalan ko as in like this Cza-ri-na. A sophomore and Accountancy student, 23 years old, and I'm single, pretty and sexy Charry,“ she smiled sweetly. “I got you to win Rendell Dela Cruz because you win my heart, yeah!“ nag-high jump and split on the air pa si Czarina pagkatapos mag-introduction.
Napatayo si Rendell Dela Cruz sabay palakpak ng malakas. “Ang tindi mo babe, I love you!“
"Aba! Babe agad? Ikaw pala ang matindi, Rendell!" She winked.
Sumunod na naglakad sa gitna si Macolline Baroro at ngumiti muna ito bago nagsalita. “Oh hi.. hello everyone, my name is Macolline Baroro, I'm pretty and cute in our Squad," waving her hand and then laugh. “Another sophomore and HRM student, kung gusto niyo akong makilala puntahan niyo na lang ako sa room ko o di kaya sa bahay namin para matikman ninyo ang masarap at malinamnam na luto ko!“ laughing out loud.
Mataray ako pero mabait at medyo kalogs, pero hindi po ako jologs and I thank you.. Go..go.. s**o for my Johnny Bravo!“ she instantly winked to John Dhembert Laban. Kaya nag-double thumbs up naman iyong lalaki as his response to Macolline’s introduction.
Pagkatapos ni Macolline, tumayo naman sina Christine Jhean Timajo, Ramona Bonleon and Missy Viox at sabay na sumayaw ang tatlo ng 'Twerk it like Miley' dance steps, going to the center of the basketball court.
Sabay-sabay din itong sumigaw para magpakilala sa kanilang mga pangalan. “My name is Christine Jhean Timajo, 23 years old from College of Education, I'm Ramona Bonleon 23 years from College of Nursing and I'm Missy Viox, 22 years old from College Liberal Arts!" sabay-sabay na sumigaw ang tatlo. "We are the Triplets! Trio kami sa bukod tanging kagandahan, trio sa kaseksihan at trio na rin sa kalandian. Tara landian tayo na kapag kayo ang mananalo. Go.. Go.. And Fighting!“ sabay-sabay din itong nag-split on the floor.
Nag-eenjoy ang lahat sa maganda at nakakatawang introduction ng Cheering Squad kaya ganado na ang mga boys para muling mag-ensayo ng kanilang laro sa basketball. “Nakakatuwa at nakakabaliw naman ang mga performance n'yo girls, kaya sa araw ng competition sana galingan n'yo pa para ganahan naman maglaro ang team natin." Tumingin si coach Tony sa kanyang relo at muling nagsalita.
"Bukas na tayo muling mag-practice ng laro, kaya ngayon malaya n'yong kilalanin muna ang isa't-isa. Mauna na ako sa inyong lahat, dahil may klase pa ako sa Financial Management," paalam ng kanilang Coach.
Pag-alis ni Coach Tony, ay nagkayayaan ang grupo na kumain muna sa Gerry's Grill kung saan malapit lamang sa University. Hindi na
makatanggi si Railey ng hilahin na siya ni Iamy, kaya napilitan itong sumama sa kanila. Naglalakad na lamang sila patungo sa restaurant dahil malapit lang ito. Kaagad nag-order ang bawat isa at habang naghihintay sa kanilang pagkain, nagkwentuhan na lamang sila.
“Railey, magkwento ka naman kung paano kayo nagkakilala ni Iamy? At saan kayong dalawa unang nagkita?“ direktang tanong ni Charry kay Railey na makahulugang ngumiti.
“Nabangga ko nga siya ng papasok kami sa Manila Cathedral,“ tipid na sagot nito.
“Teka lang, kami? Ang ibig sabihin may kasama ka ng magkita kayo ni Iamy? At sino naman kaya iyon tol?“ ngiting-aso na tanong ni Rendell at sinadya pa nitong inakbay ang kanang kamay sa balikat ni Charry.
“Hulaan ko na iyan tol si Reslyn. Siya lang naman ang buntot ng buntot kay Railey,“ nag-apir pa ng kamay sina Jefty at Dhembert.
“Ulol! Huwag ninyong idamay sa usapan natin dito si Reslyn. Oo, siya nga ang kasama kong nagsimba sa Manila Cathedral kahapon,“ inis na sagot ni Railey.
“Bakit Railey, girlfriend mo na ba siya? Masyado ka ng defensive sa kanya eh,“ lakas loob na tanong ni Iamy.
Saglit na tahimik si Railey, tsaka kinapa ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang pantalon ngunit hindi niya ito mahagilap.
“s**t! Hindi ko nadala ang phone, baka naiwan ko yata sa kotse,“ napamura ng wala sa oras si Railey at tsaka nito naalala ang usapan nila ni Reslyn. Kaagad siyang nagpaalam sa grupo at unang lumabas ng Gerry’s Grill para sunduin si Reslyn.
“Sorry guys, I'll joined with you next time. I just need to fetch her at the Auditorium, malamang kanina pa iyon tumatawag tsaka naghihintay sa akin,“ hinging paumanhin ni Railey.
Naiwan ang lahat na hindi makapaniwala na iiwan sila sa ere ni Railey. Kahit si Iamy, ay hindi naitago ang pagkainis, dahil mas pinili nitong puntahan si Reslyn. Kahit ang simpleng tanong nito ay hindi man lang sinagot bago ito lumayas.
“Sino ba talaga si Reslyn sa buhay ni Railey De Guzman?" mahinang tanong pero bakas ang inis sa mukha ni Iamy.
“Huwag mo ng masyadong intindihin si Railey, ganun talaga siya pagdating kay Reslyn masyadong seryoso,“ sagot ni Dhane sa tanong ni Iamy.
“Pero, ano nga ba talaga ang relasyon nila sa isa’t- isa? Girlfriend na ba siya ni Railey?“ muling pangungulit nito.
"Masyado ka naman yatang interesadong malaman ang lovelife ni Railey, type mo ba siya?" diretsahang tanong naman ni Xerxes.
"Syempre hindi, siguro masyado lang akong curious sa kanilang dalawa," pilit na ngumiti si Iamy at itinuon na lamang sa pagkain ang kanyang isip.
“Kumain nalang tayo, bawal pag-usapan ang tao na wala dito. Enjoy niyo nalang ang food and forget what happened earlier, Iamy." Ang tahimik na si Dux ang nagsalita para umingay uli dahil may namumuong tensyon pag-alis ni Railey.