Tipid ang ngiting pinakawalan ni Mia Joy bago ito nagsalita at pinisil pa nito ng kunti ang kanyang kamay. "Ayoko munang pumasok sa kanyang klase ngayon, parang hindi ko pa kayang harapin si Iamy. Nahihiya pa ako sa kanya dahil sa ginawa kong pagsira sa relasyon nila ni Shaun." "Ano ka ba, Mia Joy?! Umayos ka nga akala ko ba hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo? Anong drama iyang ayaw mo pagpasok sa klase ni Ma'am Precious?" "Ngayon lang naman besh, masama pa kasi ang loob ko kaya palipas nalang muna ako." "Sigurado ka ba besh? H'wag mo ng isipin iyon, baka mag-exam kasi tayo eh. Akala ko ba mag-move on ka na? Dapat lang na hindi ka rin apektado sa kanya, deadma lang." "Pumasok ka na besh, h'wag mo na akong alalahanin. Bukas papasok naman ako eh kaya sa iyo nalang ako mag-copy ng note

