Sabay na lumabas ng clinic sina Dhane at CJ at nagtuloy na sa parking lot para pumunta sa SM North Edsa para mamasyal at manood ng sine. Nasa loob na sila ng The Block at hinihintay naman ang magkasintahan na sina Railey at Reslyn. “Tol!” tawag ni Railey. “Ang tagal n’yo naman dumating kanina pa kaya kami naghihintay sa inyo,” angal ni Dhane. “Hi CJ!” bati ni Reslyn at nakipagbeso-beso pa sa kanya,“ Sensya na may tinatapos lang akong asignment bago umalis ng school. “”Ayos lang Reslyn ang mahalaga nandito na kayo,” nakangiti si CJ ng pino. “Bumili muna tayo ng milk tea nauuhaw ako,” paglalambing ni Reslyn kay Railey. “Where?” he asked. “Macao Emperial!” she answered and hugged him so tight. “Oh, tama na iyan” awat ni Dhane. Kaagad na pumasok sa loob ng Macao Emperial. Sa sobrang h

