Masama ang kalooban ni Railey ng tuluyang lumabas sa Auditorium, dahil hindi niya matanggap sa kanyang sarili na pinagpalit na siya ni Reslyn sa iba. Kaya malalaking hakbang ang ginawa ng lakad ni Railey para makarating agad sa gymnasium. Pagdating niya sa loob ng gym, kaagad nitong kinuha ang bola at buong lakas na inihagis sa ring. Hindi ito pumasok sa ring kaya muli niyang sinubukang i-shoot ang bola. This time pasok na ang bola kahit nasa malayo pa siya nakatayo. Isang malakas na palakpak at sigaw ang nagpalingon kay Railey. Seryoso lang na tiningnan ni Railey si Iamy, nakangiti itong lumapit sa kanya. “Go.. Railey! Ang galing mo talaga biruin mo 3 points agad,” nakangiting sigaw ni Iamy. “Ano ang ginagawa mo dito? Walang practice kayo di ba?“ tipid na tanong ni Railey. “Ako nga

