Kahit nakatuon ang atensyon ko sa unahan habang kumakain, naramdam ko pa rin na nakalingon sa akin si Keon, paniguradong nagulat sa tinuran ko. People who know us think that we’re cousin. Well, yun din naman kasi ang inaaddress nila kung magtatanong ang mga tao kung bakit nakuha ko ang apelyido ng mga Adrepino. Wala namang masama sa pagigingg pinsan, it’s okay for me. Nasanay na lang siguro ako. “Step-sister nila ako,” pag-amin ko. “W-what do you mean?” nagtatakang tanong niya. Sinubo ko ang huling piraso ng cookies na kinagatan ko kanina bago siya nilingon na kasalukuyang nakaawang ng kaunti ang bibig at salubong ang mga kilay, mukhang hindi niya pa rin naiintindihan ang sinasabi ko. Nang nilingon ko siya, kaagad siyang kumurap at sinara ang bibig. “I mean, that’s what they told m

