“Woah!” manghang sabay na napasabi naming dalawa ni Keon nang tumalon sa mismong harap namin ang dolphins upang magpakitang gilas. Hindi lang isa kundi ay madami sila. Napaawang pa ang labi namin at nanlaki ang mata dahil sa pagkamangha. Magtatanghali na ngunit narito pa rin kami upang manood ng mga dolphins na nagsasayawan sa tubig. Keon still filming using my camera and laughing behind, mukhang nag-eenjoy na kuhaan ako ng videos. Nasa akin pa rin nakatapat ang camera kaya hinayaan ko na lamang iyon. Pose lang ako ng pose doon at kung minsan ay nakatuon naman ang pansin ko sa dolphins kaya iniikot din ni Keon ang camera doon. Pareho kaming tuwa-tuwa sa pinapanood kaya halos mapunit na yata ang mga labi namin sa sobrang lawak ng mga ngiti sa labi namin. “They’re so cool!” I commented.

