Umiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko. Napasabunot ako sa sarili ko nang matapos kong sabihin iyon sabay na bumuntong hininga saka inangat ang tingin. Pinagmasdan ko ang kahon na naglalaman ng mga regalo na kahit isa ay wala pa akong binubuksan. Madami talaga iyon. Kagaya ng nasa sulat, inipong mga regalo iyon. Nasilip ko pa ang nakasulat sa isang box doon, saying that “Happy 7th Birthday, Luisa!”. Napangisi ako dahil doon. Ilang taon na yun. Baka nga hindi ko na magustuhan ang nilalaman nun. Nawala ako sa wisyo na buksan iyon pagkatapos mabasa ang liham na pinadala niya. Ang unexpected nang pagbibigay niya kaya ang unexpected din ng emosyong naramdaman ko. Muli akong bumuntong hininga bago lumingon kay Keon. “Nandiyan na ba si Kuya Ben?” tanong ko na tila ba'y walang nangyayari. Pa

