Nanatiling nasa tubig ang paningin ko, pinagmamasdan ang bawat paghampas ng alon sa buhangin. Nang marinig din ang sagot niya kaagad akong tumango-tango. “Ako?” Tinuro ko ang sarili ko gamit ang daliri habang nakatulala pa ring nakatingin sa tubig-dagat. Umiling-iling pa ako at ngumiti. “Wala pa,” sagot ko bago lumingon sa kanya na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. “Ikaw ba? Sino?” tanong ko rito, sinalubong ang mga tingin niya. Automatikong sumilay sa labi niya ang malapad na ngiti nang lumingon ako sa kanya. Mukhang natatawa pa siya na hindi ko naman malaman kung bakit. Inilagay niya ang magkabilang kamay niya sa loob ng shorts niyang suot bago umiling-iling. “Wala rin katulad mo,” sagot niya. Nang makasagot siya, nginitian ko na lamang siya bilang tugon bago muling tinuon ang

