“O? Akala ko ba may ginagawa ka?” bungad sa akin ni Ate Lara nang makita ako kasama si Keon. Kakarating lang namin sa yate kung saan sila nakatambay na magkakaibigan. Dito yata ang sinasabi ni Ate Lara kanina kung saan sila magha-hang-out. Kanina, nang pinuntahan ako ni Keon, agad niya akong niyaya papunta rito. Pinapasundo raw kasi ako ni Sir Carlo sa kanya para kompleto kaming narito for the little celebration for Kuya Ben’s dreams project, ang maging kabilang sa isang pelikulang matagal niya nang pangarap. Sa pelikula kasing iyon ay halos mga bitiranong artista ang naroon. Ate Lara currently chilling on the couch while drinking her wine. Nasa tabi rin nito si Sir Carlo na kasalukuyang nakangiti sa amin ni Keon. “Kung hindi pa bumalik si Keon at pasunduin ka, hindi ka pa lalabas?”

