Chapter 13

2044 Words
Jm POV Nakaramdam siya ng konting kiliti nang magdikit ang labi nila ni Jasmine. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa yun. Parang kusang gumalaw ang katawan niya para halikan ito. Ito ang unang beses na makakahalik siya sa isang babae. Napabaliwas si Jasmine sa pagkakahalik niya rito. Akmang tatayo na ito nang hawakan niya ang kamay nito. Nagkatitigan silang dalawa. "M-mali to." nauutal na sabi nito. Napakunot noo siya. "Anong mali?" naguguluhang tanong niya rito. "Basta mali." diin nito saka inalis ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Tumayo ito kaya napatayo na rin siya. Naglakad ito patungo sa pinto ng bahay niya. Bubuksan na sana nito ang pinto nang marahan niya itong hinila ang isang kamay nito paharap sa kanya. "Gusto kita." sabi niya rito habang hawak ang kamay nito. "Magagalit si Henry pag nalaman niya to." sabi nito. "Magagalit? Bakit sino ba siya? Ano ba siya sayo?" sunod sunod niyang tanong rito. "Boyfriend ko siya." sagot nito. Nabitawan niya ang kamay nito. "Hindi totoo yan." sabi niya. "Tinatago lang namim kung anong meron kami." paliwanag nito. "Hindi pa ako handang sabihin sa iba ang tungkol samin kaya hindi ko masabi sa lahat na boyfriend ko siya." "Hindi ka sigurado sa nararamdaman mo sa kanya?" tanong niya rito. Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito nang totoo o ayaw lang nito sa ginawa niya kaya gumawa na lang ng kwento. Medyo nasaktan siya sa sinabi nito. Dahil buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganong sensasyon kaya mahirap paniwalaan ang sinasabi nito sa ngayon. Jasmine POV Hindi siya agad nakasagot sa tanong nito. Tama naman kasi ito. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya kay Henry. Ni hindi nga niya alam kung anong nararamdaman niya para dito. At walang kalinawan para sa nararamdaman niya para kay Henry. Pero ang nararamdaman niya kay Jm ay malinaw na nagkakagusto na siya rito. Lalo pang nalinawan nang halikan siya nito. Pero mali na pumayag siya sa ginawa nitong paghalik sa kanya dahil may boyfriend pa rin siya. "Ngayon ko lang naramdaman to." sabi nito. "Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sayo. Pero sapat na yung masaya ako pag nakikita ka." Hindi siya nakaimik sa mga sinabi nito. "Sabihin mo sakin kung mahal mo siya. Lalayo ako para di na lumalim ang nararamdaman ko para sayo." Lalayo? Parang hindi niya ata kaya na malayo ito sa kanya. Pero kung aamin siya rito ay masasaktan naman niya si Henry. Lalo na at ilang araw pa lang silang dalawa. "Mahal mo ba siya?" tanong nito sabay hawak sa kamay niya. Nagbigay ng init sa kanyang katawan ang ginawa nito paghawak sa kamay niya. Pumikit siya saka yumuko. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya sa mga oras na yun. Gulong gulo na ang isip niya. Marahan nitong itinaas ang baba niya dahilan para magkatitigan silang dalawa. Dahil mas matangkad ito sa kanya ang medyo nakatingala na siya. Hinawi nito ang buhok niya. "Hindi ko naramdaman sa ex ko ang ganito. Sayo lang." sabi nito saka hinaplos ang kabilang pisngi ko. "Sabihin mo sakin. Mahal mo ba siya?" muli nitong tanong sa kanya. "Hindi ko alam." sambit niya. Ikinulong nito ang mukha niya ng mga palad nito saka siya marahan na hinalikan. Napapikit siya sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Jm POV Nang ikulong niya sa mga palad niya ang mukha ni Jasmine saka hinalikan ay nakaramdam siya ng pag iinit sa kanyang katawan. Tinugon nito ang halik niya na lalong nagpainit sa kanya. Niyakap niya ito habang magkadikit ang mga labi nila. Naramdaman din niya ang mainit nito palad sa likod niya. Dahil sa nangyare ay nalinawan siya sa nararamdaman niya. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay marahan naman niyang idinikit ang noo niya sa noo nito. "Pangako, hindi malalaman ni Henry ang tungkol dito." sabi niya. "Hayaan mo akong mahalin ka. Kahit patago okay lang sakin." sabi niya. "Ayokong saktan si Henry." sabi nito. "Alam ko hindi mo siya mahal." sabi niya. "Maghihintay ako, Jasmine." Dahil sigurado na siya kung ano ang nararamdaman niya para kay Jasmine ay wala na siyang pakialam kung ano ang mangyayare. Hindi pa niya naramdaman sa iba ang nararamdaman niya para kay Jasmine. Maging si Kim na unang babaeng minahal niya. Ang buong akala niya ay si Kim na ang unat huling babaeng mamahalin niya. Pero ngayong andito na si Jasmine ay buo na ang desisiyon niya. Lalo pa at alam niyang hindi ito sigurado sa nararamdamannito para kay Henry. Jasmine POV Dahil sa mga sinabi ni Jm ay nalinawan siya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para dito at kung anong nararamdaman niya para kay Henry. Tama ito. Hindi niya mahal si Henry. Mali lang siya ng ginawa. Mali n sinunod niya ang payo ni Carlo sa kanya. Ngayon ay hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya. Pano pag nalaman ito ni Henry? Pano kung hindi totoo ang sinabi ni Jm na hindi nito malalaman ang nangyare? Pero ayaw rin niya na mawala si Jm. Lalo pa at may gusto na siya rito. Muli siya nitong niyakap. Tinugon naman niya ang yakap nito. "Ihahatid na kita." sabi nito nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Hindi na." sabi niya. "Magtataka ang pamilya ko pag nakita nilang hinatid ako ng ibang lalake. Baka makarating pa kay Henry." paliwanag niya. Tumango tango ito. "Ihahatid na lang kita sa labas." "Sige." sabi naman niya. Hawak nito ang kamay niya habang hinahatid siya nito palabas ng bahay niya. Bumitaw lang ito nang nasa gate na sila. "Pano tayo.?" tanong nito sa kanya. Napaisip siya sa sinabi nito. Tayo? Bakit may sila ba? "Anong tayo?" naguguluhang tanong niya rito. "Alam ko parehas tayo ng nararamdaman. Alam ko rin na kayo ni Henry. Pero pano yung satin?" paliwanag nito. Nginitian niya ito. "Satin na lang muna yun. Okay lang ba?" sabi niya. Tumango naman ito. Pagkasabi niya ay nagtungo na siya sa may sakayan ng tricycle. Bago siya sumakay sa tricycle ay sinulyapan muna niya si Jm na nakatayo pa rin sa may gate ng bahay nito. Nginitian niya ito ng matamis saka sumakay na. Jm POV Nakaalis na si Jasmine pero nanatili siyang nakatayo sa may gate ng bahay niya. Napapangiti siya habang naiisip ang matamis nitong ngiti bago sumakay ng tricycle. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa mga oras na yun. Dahil sa pag iisip niya ay nagulat siya nang biglang may tumahol na aso. Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita niya ang maliit na aso sa may harap ng bahay niya. Sa palagay niya ay nawawala ang tutang nasa harap ng bahay niya. Binuksan niya ang gate at kinuha ang tuta. Muli niyang inilibot ang tingin niya sa paligid. Mukha namang walang naghahanap ng tuta Kaya nagpasya siyang isama ito sa loob ng bahay niya. Dahil may tira pa naman sa pagkain na niluto niya ay pinakain na lang niya ito sa tuta. Habang kumakain ang tuta ay aliw na aliw siya sa panonood dito. Hindi pa niya naranasang mag alaga ng mga hayop. May alaga ang kapatid niya dati pero namatay ito di kalaunan kaya hindi na muling nag alaga ang kapatid niya. Dahil maaga pa naman ay nagpasya siyang magtanong tanong sa labas kung kanino ang tuta. Dahil kung wala ay siya na lang ang mag aalaga rito. Tinanong niya lahat ng malapitan niya kung may kakilala silang nawawalan ng tuta. Pero wala naman daw kahit isa ang nawawalan ng tuta. Makalipas ang halos kalahating oras na pagtatanong niya ay nagpasya na siyang pumasok na sa bahay niya. Dahil iniwan niya ang tuta sa loob ng bahay niya. Nang makapasok siya sa loob ng bahay niya ay napangiti siya nang makita niya na mahimbing ang tulog sa gilid ng sala ng bahay niya. Jasmine POV Dahil hindi naman siya ginabi masyado ng uwi ay hindi na siya tinanong ng mga magulang niya kung saan siya galing. Minsan kasi pag nagsabi siya na malalate siya ng uwi ay pinag o over time siya sa trabaho kaya siguro hindi niya siya inusisa ng mga ito. Dahil kumain na rin siya sa bahay ni Jm kaya naman hindi na siya nag hapunan sa bahay niya. Agad siyang nagbihis. Nang makapagbihis siya ay nagpasya na siyang magpahinga na. Pero bago pa siya makahiga sa kama niya ay tumunog na ang cellphone niya. Nakita niya ang message ni Henry. "Good evening, Babe." sabi ni Henry sa message. "Good evening din, Babe." sagot niya. "Busy ka ata maghapon. Hindi mo ako namessage kasi maghapon." sabi nito. "Hindi naman." pagsisinungaling niya. "Uuwi na kami bukas ng umaga." sabi nito. Napatigil siya sa nabasa niya. Sumagi sa isip niya si Jm. Pano si Jm pag bumalik na si Henry? Anong mangyayare sa kanila? "Ingat kayo pauwi, Babe." tanging sabi niya. "Salamat, Babe. Magpahinga ka na. Maaga ka pa bukas." sabi nito. "Good night, Babe. See you tomorrow. I love you." "I love you, Babe. Good night." reply niya. "Anong gagawin ko?" tanong niya sa isip niya. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama saka pumikit. Napadilat siya nang maalala niya ang nangyare sa bahay ni Jm. Hinaplos niya ang kanyang labi. Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi niya. Naghalikan at nagyakapan silang dalawa. Muli siyang napapikit nang pumasok sa imahinasyon niya ang mukha ni Jm. Ang matamis nitong ngiti. At ang mapupula nitong labi. Bigla siyang kinilig nang maalala niya ang mga halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Jm. Ang matamis at mainit na labi nito. "Gonon pala ang pakiramdam." sambit niya habang haplos pa rin niya ang labi niya. Napatigil siya nang sumagi sa isip niya si Henry. Sa tagal nitong nanligaw sa kanya ay hindi man lang siya nito nahalikan. At sa tagal nitong nanligaw sa kanya ay ni minsan hindi man lang ito nag slow motion tulad ng nangyare kanina. Marahan niyang sinabunutan ang sarili niya sa mga naiisip niya. Bakit ba naman kasi ganon ang nangyayare sa kanya? Kung hindi sana niya sinunod ang payo ni Carlo ay wala sana siyang problema. Ngayon ay problema niya kung paano itatagp ang nararamdaman niya kay Jm at kung panong hindi masasaktan si Henry. Dahil sa sobrang gulo ng utak niya ay hindi siya makatulog. Ala tres na ng umaga ay gising na gising pa ang diwa niya. "Maaga ka pa bukas, Jasmine, kaya matulog ka na." utos niya sa sarili niya. Kanina pa niya pinipilit matulog. Pero dahil gulong gulo ang isip niya kaya naman hindi siya madalaw ng antok. Kaya nagpasya na lang siyang lumabas ng kwarto niya at magtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Baka sakali na makaramdam siya ng antok. Nasa labas pa lang siya ng kwarto niya ay tanaw na niya na nakabukas ang ilaw sa kanilang kusina. Nang nasa bungad na siya ng pinto ay nakita niya ang Nanay niya na naghahanda ng iluluto nito sa agahan. "Ang aga niyo naman po, Nay." sabi niya na ikinagulat nito. "Maryosep ka naman bata ka." sabi nito na sinapo ang dibdib sapagkagulat. Alam niyang maaga talaga gumigising ang Nanay niya para magluto ng agahan nila pero ngayon niya lang ito naabutan sa ganong oras. "Ikaw ang maaga." sabi nito. Ang hindi nito alam ay hindi pa siya nakakatulog. "Hindi pa po ako nakakatulog, Nay. Hindi ko po alam kung bakit. Kanina ko pa po pinipilit matulog." sabi niya rito. "Ipagtitimpla kita ng gatas." sabi nito na agad naman siyang pinagtimpla ng gatas. Naupo siya sa mesa. Pinanood niya lang ang Nanay niya sa ginagawa nito habang siya ay umiinom ng gatas. Gusto niyang ikwento ang mga gumugulo sa isip niya. Pero hindi niya ginawa dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga ito sa kanya. Tuwang tuwa pa man din ang mga ito dahil sinagot na niya si Henry kaya nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya rito ang ginawa niya. Na ginawa niya lang ng payo ng kasama niya sa trabaho. At kung kailan may boyfriend na siya ay siya namang nagkagusto siya sa ibang lalake. Kaya hindi niya magawang ikwento rito ang lahat. Ayaw niyang madismaya ang mga ito. Alam niyang masasaktan din ang mga ito pag nagsalita siya. Sa kakaisip ay biglang bumigat ang talukap ng mga mata niya. Hanggang sa di na niya namalayan na nakatulog na siya sa mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD