*Gabbie's POV* Sapat na siguro ang mahabang araw para magkaroon ng peace sa pamilya namin ni Rafael. Gustong-gusto ko ang nangyayari. Napakaligtas namin dito sa Sagada kung sanang lagi na lang ganito. Gabi na at wala pa rin si Rafael. Bumaba kasi ito sa Maynila dahil nagkaroon ng sakit si Mama Sesille at nasa ospital. Gusto ko nga sana na sumama pero ayaw ni Raf. Mas ligtas daw kami sa Sagada. Tatlong araw na ring hindi umuuwi si Rafael pero ang sabi niya ay ngayon daw siya uuwi. Kaya kahit anong oras pa iyan ay iintayin ko siya. Kasalukuyan akong nasa terrace at hinihintay ang pagbabalik niya. Sobrang lamig na dito sa Sagada. Tulog na rin si Ami at ang dalawang kasambahay na kasama namin dito sa bahay. "Ma'am hindi pa ho ba kayo magpapahinga?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

