Excited ang lahat dahil ito ang araw na pinakahihintay nang lahat. Dalawang company bus ang naghihintay sa harap nang building, nang aming pinagtratrabahuhan. Kasama ko sila Max, Rose, Chelle at Rowena. Naguusap kaming magkakaibigan kasi excited kami sa beach na pupuntahan namin. Nagtataka kami kasi masamang nakatingin samin ang grupo nang "The Fucklers". "Tingnan niyo ang grupo nila oh, mukhang may binabalak nanaman sa atin." wika ni Chelle " Hayaan mo yang mga yan, isang pitik ko lang diyan sa lider lideran nila na si Ahje, lulunurin ko yan sa gitna ng dagat ewan ko lang kong makatingin pa yan satin."wika ni Rose Natatawa lamang ako sakanila, masyado mainit ang mga ulo nila sa isat-isa. "Ezra kamusta naman kayo ni Sir?" wika ni Rowena " Masaya, sana palagi nalang ganon, kaso may

