Excited ako sa araw na to, hindi ako makapag hintay na muli kong makita ang aking matalik na kaibigan. Tuwang tuwa ako nang tumawag siya kanina, para sabihing uuwi na sila ngayon. Naghalfday lang ako, nag-paalam lang ako kay Max na may importante akong lakad, wala dito ang boss ko na ngayon ay boyfriend ko na, kaso lihim lamang ang aming relasyon, ako lang may kagustuhan nun dahil ayoko matsismis dito sa kumpanya. Mag dalawang buwan na ang aming relasyon ni Glenn. Napatunayan ko na talagang mahal niya ako, maalaga naman siya, at maharot gusto niya lagi kaming nakakapagsolo, sobrang hilig niya pagmagkasama kami, hindi pwedeng walang mangyayari, madalas akong natutulog sa condo niya, hindi naman siya pwede sa bahay namin dahil dikit dikit ang bahay doon konting kaluskos mo lang marinig ka

