049 Y A K I R A Bumalik na ako sa waiting area kung nasan sila kuya at ang barkada. Niyakap ako ng mahigpit ng bagong dating na si Kim. Hindi pa niya alam na nag hiwalay na kami ni Sander. Wala pa naman kasi talaga akong pinag sasabihan bigla na lang nalaman nila kuya dahil nga tinawagan ko si Ethan nung gabing yun. Siguro nasabi na din nila kay Caleb at Stephen pero sila Kim hindi pa talaga nila alam yung issue. "Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Kim. Sumunod naman na yumakap sa akin si Louise na kasabay niyang dumating. Ngumiti ako at tumango. "Okay lang ako. Kilala ko si Sander, lalaban yun. Lalo na ngayon na daddy na siya. For sure lalaban yun. Mag tiwala lang tayo." Nakangiting sabi ko. "Ano? Bakit Kira, buntis ka na ba?" Biglang napaubo si Zach nang tanungin iyon ni Lo

