047 Y A K I R A "Ano bang ginagawa mo sakin Zach?" Nag tatakang tinignan lamang ako ni Zach. Halata sa kanyang mukha na naguguluhan siya sa sinabi ko. "Nalilito nanaman ako! Hindi ko nanaman maintindihan ang sarili ko! Mahal ko si Sander, sigurado ako duon pero bakit parang gusto ko nanamang pag dudahan ang nararamdaman ko na ito para sa kanya?" Oo alam ko. Ganitong ganito din yung sinabi ko sa kanya nuon, nung nasa rest house kami nila sa tagaytay at ngayon makalipas ang napakadaming taon sinasabi ko nanaman ito sa kanya. Sandali siyang hindi nakapag salita sa sinabi ko. "Zach? Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko..." "Gusto kitang halikan sa mga oras na ito." Pagtutuloy niya sa sinasabi ko. Ganitong ganito ang sinabi ko sa kanya nuon kaya siguro naalala niya at siya na ang nag tuloy

