044 K I R A "Zach, saan tayo pupunta?" Lumingon siya sa akin habang nag mamaneho at ngumiti bago ibinalik muli sa daan ang tingin. "Sabi mo gusto mong lumayo muna di ba?" "Hmm so saan nga tayo pupunta?" "Basta. Akong bahala sayo." Aniya. Hindi naman na ako nangulit pa at hinayaan na lamang siya sa pag mamaneho. Hindi pa din ako nakakauwi sa bahay mula pa kahapon. Yung damit na suot ko ngayon ay yung dati ko pang damit na nakatago lang pala sa condo ni Zach. Hindi naman nag bago ang size ng katawan ko kaya nag kasya pa din sa akin ang mga ito. "Alam ba ni kuya na magkasama tayo?" "Oo. Pinaalam ko sa barkada pati na din sa parents mo dahil kagabi pa sila nag aalala sayo." "Anong sabi ni Caleb?" "Nagalit siya. Bakit daw hindi na lang kita iuwi sa inyo para makausap ka daw nila at ma

