013 Y A K I R A Magka hawak kamay kami ni Sander na lumabas ng mansiyon ng mga Walcott. Sumakaya kami sa sasakyan niya at nag simula na niya itong paandarin. Nakatuon lamang ang tingin ko sa daan habang unti unting pinoproseso ng isip ko ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na bumalik na ulit si Zach muntik na akong sumuko na hanapin siya. Tama nga ako. Hindi siya basta basta mawawala nang walang paalam. Sobrang saya ko lang na hindi napunta sa wala yung pag hihintay ko ng limang taon dahil buhay pa naman talaga siya. Yun nga lang hindi na niya ako naaalala pero okay lang. Ang mahalaga naman sa akin ngayon ay buhay siya at nakakasama namin siya. Masaya na ako duon. "Kira?" Agad na napalingon ako kay Sander nang tawagin niya an

