Anton"
Ng makalabas na kami ni Aryana sa pabrika ay magtatanghalian na, kaya naghanap kami ng makakainan bago dumaan sa bilihan ng damit, para may karagdagan akong maisusuut para bukas,. matagal na rin kasi ng huli akong bumili,. kasama ko rin si Aryana noon, kaya gusto rin niya itong bumili,... Tag dalawang paris lang ang nabili namin at mga personal na gamit,. at sinabay na rin naming mag grocery, mas marami pa atang nabili itong kasama ko kaysa sa akin,. . pagkauwi namin, dinaan ko muna sa bahay ang mga pinamili ko at binalikan si Aryana sa kabila, para tulungan siya mag ayos sa mga pinamili niya, parangang kalahating taong abasto na niya ang kanyang pinamili,. pagdating ko sa kanila, wala akong Aryanang naabutan, kaya hinanap ko ito, ngunit wala, huli kung pinuntahan ay ang kwarto niya,. kinatok ko ito ng tatlong beses pero walang sumasagot, inulit ko ng dalawang beses, pero wala parin, ng hawakan ko ang siradora ng pinto ay hindi naka locked ito,. dahan dahan ko itong pinihit para buksan,. ang seste, ayon, nakadapa sa kama, mahimbing ng natutulog,. kaya pala hindi ito sumasagot,. lumapit ako sa kanya para i ayos sa higaan, . napa iling na lang ako sa kanya, ng mai ayos kuna siya, tinungu kuna sa kusina para ayusin na ang mga pinamili niya,. pinakailaman ko narin ang mga ulam na pinamili niya, ang sabi nya kasi kanina na siya magluluto ngayung hapunan, pero parang ako ata itong mapapasubo,. ginawa ko na lang ay ako na ang nagluto, bahala na siya kung magalit,. ayaw ko namang gisingin pa siya,. marahil sa pagod nito kaya siya nakatulog agad,. . ng okay na ang lahat,.at naidala ko narin sa bahay ang mga niluto ko ay pinuntahan ko na siya para gisingin,. ang seste,. anglakas humilik,. parang asong hinahabol, napailing na lang ako,. nilapitan ko siya para gisingin,. Aryana,. gising na, sabi ko, tatling beses ang ginawa kong pagtapik sa kanyang pisngi bago ito nagising.. hmmmp,, antok pa ako, sabi niya at tumalikod sa akin,. bumangon kana dyan, kakain na tayo,. hindi pa ako gutom, mamaya na,.. anong mamayana, sabi mo ikaw magluluto,. tignan mo nga gabi na, medyo nilakasan kung sabi, para magising ang kanyang diwa,. bigla itong napabalikwas sa pagbangon at agad na tatayo, pero bigla ito natumba sa pagkataranta,. ako naman ay tatawa tawa sa reaksyon niya, bigla itong napatingin sa akin,. ah, " pasensya na, nakatulog pala ako,. ano pa ngaba,. sabi ko, halikana, nakapag luto na ako, hinihintay na tayo nila nanay at tatay,. agad naman ito tumayo at inayos ang sarili,. siyanga pala, ung pinamili mo na panghapunan natin, ako na nagluto,. ganun ba, sorry ah, nakatulog ako agad, dala siguro sa pagod ko.. ng makarating kami sa bahay, agad kaming humarap sa hapagkainan, dahil andon narin si nanay at tatay naghihintay sa amin... Pagkatapus naming kumain, tumingin ako kay nanay,. inunahan kuna siyang magsalita dahil alam kung magtatanung nanaman ito, Tanggap na kami inay,. sa pabrika ni Don Nicolas, bilang inventory clerk. tag labing limang libo ang sahod namin kada buwan,. hindi kasama duon ang pagkain namin, dahil wala daw tagaluto duon,. patuloy kong paliwanag, at si tatay at Aryana ay hindi maiwasang tumawa.. tawang tawa sila kay nanay dahil para itung palakang natunawan, hindi makapag kokak,, iste makapagsalita,.. Aba Anton sabihin mo lang kung kailangan kong palitan ang mga damit mo ng pambabae, sabi ni tatay,. paano kasi, habang nagpapaliwanag ako kay nanay sinasabayan ko ito ng pag ba body language na siya dahilan para magtawanan ang dalawa.. dahil sa sinabi ni tatay muling tumawa si Aryana,, , para ka kasing bakla kung magpaliwanag ka, tignan mo si nanay, parang istatwa sa kinatatayuan niya, at muli itong tumawa,. sinong bakla ha,. sabi ko sa kanya at akmang lalapitan pero agad itong tumakbo at nagtago sa likod ni tatay,.. tama na yan, baka magkapikunan nanaman kayo, sabi ni nanay,.
Aryana"
Maaga akong gumising para maghanda ng almusal ko at babaunin ko para sa tanghalian mamaya,. pagkatapus kung kumain at naiayos ko narin ang babaunin, dumiretso na ako sa paliguan para maligo,. pagkatapus ay nagpalit narin ako at inayus narin ang iba kong dadalhin... matapus kong mag ayus ay lumabas na rin ako,. at puntahan si Anton, . pagsara ko ng pinto sa labas, ay siya naman ang dating niya.. Wooww,, " you so look good today ah, sabi ko sa kanya, napangisi lang ito sa akin.. saka mo lang naman ako pinupuri kong nakapag ayos ako, bakit dimo na lang ako deretsuhin,. sabi niya,. napatulala ako sa kanyang sinabi,. tara na nga sabi niya, sabay kuha ang dala dala king lunch bag at nilagay ito sa lagayan nya para pagsamahin, para minsanan na lang bitbitin,, ako naman ay hawak ko ang aking bag, nagdala kasi ako ng extra damit ko, baka kasi kailanganin ko magpalit..
Unang araw namin ngayon sa trabaho.. dahil sa bago palang kami, minabuti ko munang sumunod ag alalahanin lahat ng tinuturo sa akin,. Si April ang nagruturo sa akin kung ano ang dapat kung gawin,. siya ang pansamantalang nakatalaga sa eryang ito.. ramdam kong mukhang naiilabg siya sa akin,.. Aba,, kung ayaw niya sa akin, hindi kuna problema yon, basta ako, papasok ako dito para magtrabaho hindi yung makikipag plastikan. Si Anton naman ay parang sanay narin siya, madali lang itnakasunod, dahil sumasama siya nuon para ideliver ang mga naaning mga prutas tuwing nag ha harves ang Hacienda Lucas..
Dumating ang oras ng tanghalian, naghanap kami ng ma pwepwestuhan ni Anton para duon kami kumain, nakita namin ang isang kubo sa di kalayuan sa kinatatayuan namin. agad kaming lumapit duon.. mukang pahingaan dito.. ng may makita kaming tao sa di kalayuan, at tinanong namin kung pwede kumain sa kubo,. dahil pwede naman daw, bumalik na kami para makakain,. habang hinahanda namin ang baon namin, siya namang may dalawang paris na dumating.. pwede ba kaming makisabay sabi ng isa.. syempre pumayag naman kami, maluwag naman ang kubo, kahit sampo pa ang kumain dito ay kasya pa.. habang kumakain kami, sinabayan nilang mag kwento,. napag alaman naming matagal na daw sila dito, ang isang paris ay mag asawa at ang isa ay magkasintahan.. kayo, mag asawa ba kayo, magkasintahan o ano? sabi ni Analyn, yung may asawa.. magkababata kami sabi ko,, tahimik lang na kumakain ang tatlong lalaking kasama namin, iting dalawang babae ang madalas magsalita,. ako naman ay sagot lang ng sagot.. ng matapus na kaming kumain, inayus na namin ang pinagkainan at kanya kanyang balik sa mga area namin.
Nang makabalik ako sa area ko, napansin kong wala na duon si April,. habang inaayos ko ang mga gamit ko, bigla ako nakarinig ng mga boses hindi kalayuan sa kinaruruonan ko, lumapit ako ng kunti para marinig ang nag uusap, napag alaman kung tatlo silang babae. mukhang may pinag uusapan sila, lalo ko nilapit ang sariliko sa likod nila, ako pala ang pinag uusapan nila.. Hindi ba sila yung nakatira sa Hacienda Lucas sabi ni girl 1, oo nga, bakit sila nandito, sabi ni girl 2.malamang nandito sila para magtrabaho sabi naman ng girl 3..nakita nyo ba yung kasama nong girl,. sabi ni girl 1,.oo,, sabay sagot ng dalawa,.diba ang gwapo niya sabi ni girl 1..mga tismosa, sabi ko sa sarili ko,. dahil wala na mang kwenta ang pinag uusapan nila, minabuti ko na lang bumalik sa pwesto ko para ipagpatuloy ang ginagawa ko.. pagbalik ko sakto namang palapit sa akin si April.. dumaan lang ako para tanungin kung nakasunod kaba sa mga sinabi ko, sabi niya..napa oo na lang ako sa kanya para makaalis na siya,. halata kasing ilang siya sa akin.. pwes ayaw ko rin sa kanya.. kung meron man ako hindi maintindihan, mas mabuting duon na lang ako magtanong sa tatlong babae kanina. baka mas maging kasundo ko pa sila.. hindi nagtagal, iniwan narin niya ako., siya na mang paglapit ng tatlo.. Hi,, sabi ni girl 2, hello sabi ko naman,. huwag munang pansinin yon, talagang ganyan na siya.. ilag sa mga taong hindi niya daw ka level., , sabi naman ni girl 3.tatango tango na lang ako sa kanila,. Ako pala si Anabel sabi ni girl 1,,ako naman si Joy, sabi ni girl 2,,at syempre ako naman ang inyong dyosa, Jessabel,. nagpakilala naman ako sa kanila,, ako naman si Aryana,, kinagagalak ko kayong makilala,.. habang nag aayos kami ng mga stock ng mga box sa gilid, sinasabayan nila ang pagkwe kwento sa kanilang nakaraan at kung paano sila tratuhin ni April,. yung dati daw naka a sign dito sa pwesto ko ay umalis na daw dahil hindi kinaya ang trato sa kanya ni april.. ah,. sino pala yung kasama mo kanina, tanung ni Anabel,, ang bruha, mukang tinamaan ito sa kababata ko,. pati ang dalawa,.. tatli pala sila, mukang tinamaan,. . Ah, " si Anton,. sagot ko.. duon siya sa bodega naka a sign,. Anton pala ang pangalan niya, sabi naman ni Joy,. halatang kilig na kilig sila pag si Anton ang pinag uusapan.. kaano ano mo naman siya, tanung ni Jessabel, magkababata kami ni Anton, sabi ko,, at hindi lang iyon,. pangbibitin ko,. sinadya kung bitinin ang sasabihin ko para makita ang mga reaksyon nila,. nakita ko biglang nagbago ang mga postora nila, makikita mo sa mga mata nila ang lungkot,. para silang naagawan ng canday,. matalik kaming magkaibigan, pagpapatuloy ko,. at ang mga bruha, nagbago ang mga anyo, muka na ulit silang mga anghel na pinag iwanan. lihim na lang ako napangiti,. at tuloyan ko na silang iniwan,. naririnig ko parin ang kanilang bulongan pero hindi kuna ito maintindihan.. Pagkatapus ko sa aking ginagawa, tumingin ako sa suot kong relo,. saktong 4pm na, isang oras na lang ay uwian na.. ng wala na ako gagawin, bumaling ang paningin ko sa tatlo kong kasama, naisipan kong biroin sila.. sa ilang oras pa lang namin pagsasama ay nakagaanan na namin ang isat isa,, mukha naman sila mababait.. Hoy, mga girls,.tapus na ba kayo, tanung ko sa kanila habang papalapit ako sa kanila,.sabay naman silang sumagot ng oo..gusto nyo bang puntahan natin siya, sabi ko ulit,. ang mga bruha, agad namang nagsilapit para pumayag,. Oo nga pala, paano yan hindi ko pala alam kung saan dito ang bodega, sabi ko.. agad naman nila ako hinila at patakbong lumabas, napasunod na lang ako sa kanila,. . walangya, mukang mapapahamak pa ako sa pagbibiro kong ito.. sa di kalayuan, tanaw namin dito mula sa kinaruruonan ni Anton,. ang mga bruha, parang mga bulating naaasinan sa mga kinikilos nila,. kahit sabihin ko kanina na bakla si Anton, ayaw talaga ni lang maniwala,. para namang hindi siya bakla,. tignan mo ang mga kilos niya, lalaking lalaki kung gumalaw, sabi ni Joy,. Aryana, kami bay pinagloloko mo, sabi ni Jessabel, bakit hindi kayo ang umalam kung hindi kayo naniniwala sa akin, sagot ko na lang, pinipigilan ko ang sarili kong hindi matawa sa harap nila,. hindi kaya nakakahiya, sabi ni Analyn,. Maronong naman pala kayo mahiya sabi ko, at hindi ko na nga napigilan ang pagtawa ko,. Hahahaha.. aray sabi ko ng bigla akong batukan ni Analyn.. sige na nga, hindi talaga siya bakla, sabi ko na lang,, sabi ko na nga, sabi ni Joy, agad silang tumayong tatlo sa kinaruruonan namin, patungo sa pwesto ni Anton, ako naman ay naiwang mag isa.. pinag mamasdan ko na lang sila duon mula dito.. habang nakatingin ako sa kanila, biglang tumingin ang tatlo sa akin,. agad naman ako nagkubli para hindi ako makita.. ng muli ako sumilip para makita sila, wala na si Anton sa tabi nila,. . Dedma.. , sabi ko at napataea na lang ako..