Chapter 18 Paghahanap at Pagbawi

1559 Words
Aryana " Matapos kung mapag isip isip kung ano ang gagawin matapus ko malaman ang lahat, napagpasyahan kong hanapin ang mga yaman na naiwan para sa akin, panahon na para bawiin ko ito, ano mang bunga matapos ko itong gawin ay tatanggapin ko, kahit ikapapahamak ko pa ito,. mabilis akong nagpalit ng damit ko at balak kong lumabas muli, magpapaalam muna ako sa mag asawa,. babalik ako sa pinapasukan ko, para mag paalam muna kay Don Nicolas, hindi muna ako papasok ng ilang araw hanggat hindi ko mahanap at mabawi ang dapat ay akin,. Matapos kung makausap ang matanda, ay pumayag din siya sa gusto ko, tutal naman daw ay hindi pa ako nag karoon ng day off,. bumalik na ako sa pwesto ko at pinag patuloy ang naiwan kung gawain, at para hintayin narin si Anton, para sabay na kaming makauwi,. pati si Anton ay pinayagan din mag day off ng ilang araw, at sabay na rin kami pumasok,. Anong meron, bigla ka atang humingi ng temporary leave, tanung sa akin ni Anton, pagkababa namin ng jeep,. ipinaliwanag ko naman ang dahilan, habang naglalakad kami patungu sa bahay,. hindi kaya dilikado ang gagawin mo,. mag iingat naman tayo, at saka meron ka naman para alalayan ako,. nandon na nga tayo, paano kung dalawa tayo mapahamak,. bakit kailangan mo pa bawiin ang meron sayo, ngayong maganda naman na ang takbo ng iyong buhay,. hindi lang yon Anton, gusto ko mabawi ang lahat, hindi lang para sa akin, kundi sa mga tao na talagang nangangailangan, aanhin ko ang yaman kung mag isa lang ako,. paliwanag ko sa kanya,. ano ang gagawin natin, saan tayo magsisimula, kanina, pumunta sa bahay ang mag inang Donia Carmila at ang anak nito, binigay ang address sa akin, sabi ko sa kanya,, hindi ko man lang naalalang tanungin ang pangalan ng anak ng matanda,. dibali, marami pang pagkakataon para malaman ko, sa isip ko,. sinabi sa akin ang lahat lahat, pagpapatuloy ko,. tutulungan daw ako ng anak ni Donia Carmila kung handa na raw ako,. kailan mo balak magsimula, bukas, puntahan natin siya, para sa ganun malaman natin kung paano at kailan tayo mag uumpisa, paliwanag ko, Pagkarating namin ng bahay, nagpaalam muna akong sumaglit sa tinitirhan ko para makaligo at makapag palit na rin,. pagpasok ko ng bahay, biglang tumunog ang cellphone ko, ng tignan ko ito ay unknown number, hindi nakasave sa phone memory ko,. dalawang ring pa ito bago ko napagdisisyonang sagutin,.. hello, sabi ko, pagkarinig ko sa boses ay alam ko kung sino ito, kahit sa boses lang nito ay nakilala ko, alam kung siya ang anak ni Donia Carmila,, nagkunwari akong hindi ko si mabosesan, para sabihin nito ang pangalan, hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit nahiya akong tanungin at alamin ang pangalan niya, im Arvin Acierto, the daughter of Carmila Acierto,, Arvin Acierto,, pag uulit ko sa kanyang pangalan,. parang kung anong kiliti ang naramdaman ko ng marinig at malaman ang pangalan niya,.yes" ako nga, may iba ka pa bang kilala maliban sa akin,, sagot niya,. abat, may gana pa atang mang asar,. sabi sa isip ko.. gusto ko lang sabihin sayo, na pinatawagan ka ni mama, at may gusto siyang ibigay sayo, at para mapag usapan din natin kung paano bawiin ang para sayo,. i will wait you befor lunch, pag kasabi non ay bigla na lang ako binabaan, hindi man lang niya hinintay ang sagot.. ipinatong ko na lang sa ibabaw ng lamisa ang cellphone ko at tuluyan na akung pumasok sa silid ko at makakuha ng pamalit ko... matapos kung ayusin ang sarili ko, lumabas na rin ako para pumunta kila Anton,. pagkarating ko sa kanila ay siya namang labas nito,. papunta na sana ako sayo para tawagin at ng makakain na tayo, andiyan kana pala, halika na,. sabi niya,,pumasok narin ako.. matapos kaming kumain ay nasabi ko sa kanila ang usapan namin ni Arvin kanina,. niyaya ko rin si Anton para samahan ako nito,hindi rin niya ako tinanggihan,. ganun naman siya, hindi niya ako magawang tanggihan kung kailangan ko siya,. laking pasasalamat ko at nakilala ko siya, at naging matalik na kaibigan, handa siyang damayan ako, anomang mangyari,. isa siya sa katuparan ko, ang mabigyan ko ng magandang buhay matapos kung makuha ang dapat sa akin.. . Maaga kaming umalis ni Anton kinaumagahan, dahil malayo pa ang aming pupuntahan, apat na oras din ang itatagal bago kami makarating sa bahay nila Donia Carmila,. kagabi ko pa iniisip kong ano ang nais nitong ibigay sa akin,. kung ano ano na lang ang naiisip ko, hanggang sa natulugan ko na lang ito.. pero paglabas namin ng hacienda, isang itim na sasakyan ang papasalobong sa amin,. tumigil ito sa aming harapan,, hindi nagtagal ay binaba nito ang salamin ng sasakyan, at si Arvin pala ito,. papunta sana ako sainyo, pero nandito na pala kayo,. sakayna, sabi niya,. agad naman kami sumakay ni Anton, pinag buksan ako nito..ako sa harap katabi ng driver at siya naman sa likod, katabi ni Arvin,, Saktong 11am na ng makarating kami sa bahay nila Arvin, sinalobong kami ng kanilang kasambahay,. dumiretso na kami sa kanilang dinning room at nandon na daw ang matanda na naghihintay,. nakahain narin ang pananghalian, ibat ibang putahe ang nasa harapan, ngunit isa lang ang umagaw pansin sa akin, chicken carey, syempre ako naman ay uminahon lang,.nakakahiya naman kong agad ako uupo at lantakan ito, ganun din si Anton, pareho kami kasi ng paborito, at kapag ito ang nasa harapan ng pagkainan, ay nag uunahan kami, kahit ngayong binata at dalaga, ay hindi parin namin maiwasan ang mag agawan,. umupo na kami at ng makapag simula na daw kami kumain,. tahimik lang kami habang kumakain, at itong Anton, pinakatitigan ko ito ng makita kong binuhat niya ang lagayan ng chicken carey at sabay tingin sa akin, nilagyan niya muna ang plato ko bago siya kumuha ng para sa kanya,. alam na niya ang ibig sabihin ng pagtitig ko sa kanya,. napangiti na lang ako sa kanya ng matapos ang paglalagay sa plato ko, sabay tingin ko sa mag inang Carmila at Arvin,. matapos kami kumain ay nagpunta narin kami sa sala para duon mag usapa, lumabas muna sina Anton at Arvin, naiwan kami ni Donia Carmila,. maya maya ay may inabot itong envelope sa akin,. nagtataka man ako, pero inabot ko na lang ito at binuksan, dahil hindi ko alam kung ano ang mga ito, biglang nagsalita ang matanda,. mga ari arian yan ng magulang mo, nandiyan lahat kung saan mo ito makikita at matatagpuan,. . isa isa ko itong tinignan at binasa, ganito pala karami, limang Hacienda mula sa mama ko at tatlo mula sa papa ko, limang pabrika ang nagawa nilang ipatayo, at isa na dito ang pabrikang nag alok sa akin ng magandang posisyon at ang pabrikang pinapasukan ko,. kaya pala pinangalanan itong Rhon @Alliya, kuha sa pangalan naming magkapatid,. at nakapamana ito sa aming dalawa, pero ang pansamantalang nakapangalan dito ay si Don Nicolas,,, kung si Don Nicolas lamang ang nanatiling namahala dito, ano ang dahilan bakit hindi siya pinalayas o pinalitan, tanong ko sa matanda, dahil tanging yan lamang ang hindi nasakop ng asawa ko, hindi niya alam na pag mamay ari din ito ng magulang mo, matalik silang magkaibigan ng iyong ama, gusto ng papa mo na ipangalan na lang ito kay Nicolas, pero hindi ito pumayag, dahil sa malaki ang utang na loob sa iyong ama, lihim niya itong pinalitan ng pangalan at isinunud sa inyo ng malaman niyang nakaligtas ka,. isa siya sa nakasama namin ni Arvin na iligtas ka, ngunit hindi niya alam kung saan ka namin iniwan, at hindi rin namin sinabi sakanya kung saan,. isa pang envelope ang nilabas nito,. . inabot ko ito, at kunin ang nilalaman,. isang makalumang larawan, larawan ng dalawang matanda,. . sila ang lolo at lola mo sa iyong ina,. sabi nito, ang lolo mo na lang ang nabubuhay at nasa pangangalaga ito ng anak ng kanyang kapatid,. nandiyan din ang address nito at sasamahan ka ni Arvin para mapuntahan mo siya, si Arvin na ang magpapaliwanag sa lahat.. akalain mo iyon, may natitira pa pala akong kamag anak,, ang tanung ko sa sarili ko, ang tao bang kasama ng lolo ko ngayon ay isa bang kakampi o ka away,. sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang magtanong sa matanda,. sino po ang nakakasama niya,. mapagkakatiwalaan po ba siya,. tanung ko,. siya si Cora,nag iisa nitong pamangkin, ayin sa kwento, mula ng mamatay ang magulang niya, ang lolo muna ang kumupkop sa kanya at nagpalaki,. dahil may kaya din ang kanyang magulang, ay kahit kailan hindi nagkainteres sa ibang yaman ng kanilang angkan,. kaya nakakasigurado ako na matatanggap ka niya at matutulungan ka niya,. . matapos ipaliwanag ang lahat, ay tumayo na rin ako at nag paalam,. pagkarating ko ng labas agad kung hinanap si Anton,. ng hindi ko makita ay minabuti ko na lang ito tinawagan, hindi nagtagal ay nakita ko narin ito,. agad ko itong nilapitan at hinila na para makauwi na rin kami,. ipahatid ko na kayo, sabi ni Arvin,. dahil hindi ko pa kabisado ang daan ay pumayag na rin kami, pero hanggang sa sakayan na lang kami nag pahatid, pumayag naman ito,. sanga pala, pupuntahan kita bukas para samahan ka sa lolo mo,. tumango na lang ako bilang sagot, at tuloyan na kaming sumakay,. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD