“You’re dead serious?” nakangisi ito at tila hindi makapaniwala sa narinig niya. Sumandal naman sa swivel chair ang lalaki at sumimsim sa kopitang hawak niya.
Umagang umaga ay pinepeste ito ng kaibigan niya tungkol sa babae. Basta talaga usapang babae ay aktibo ito kahit oras ng trabaho.
“Do I look like messing around?” ibinukol nito ang gilid ng pisnge.
“Dude, it's been two years. Saan mo naman hahanapin ang babaeng iyon?Sabi mo nga hindi mo manlang nakita ang mukha.” Clarence Revemort—his friend retorted. Mariin itong napapikit out of realization, he has a point.
Wala itong alam bukod sa may kulay abo itong mga mata. Ni pangalan nito ay hindi niya alam, kahit sulyap sa mga mukha nito ay wala.
Dalawang taon na niya ito hinahanap sa hindi malamang dahilan. Minsan nga ay natatanong niya ang sarili kung baliw na ba siya o baka nahihibang? Dahil sino ba namang matinong tao ang ipapahanap ang naka one night stand lang and much weirder is hindi siya nito hinanap manlang like what he is doing right now. Hindi ito katulad ng ibang babae na maghahabol dahil lamang may nangyari and that made him more curious about her.
“If I were you dude, titigilan ko na ang pag hahanap sa babaeng iyon. You're just wasting your time and money paying those investigators. Ano bang gagawin mo if you find her?”
Natigil ito sa tanong ng kaibigan. Ano nga ba ang gagawin niya? He really has no idea. Ni hindi nga niya maisip kung anong magiging reaksyon niya kung sakaling mahanap na nga niya ang babae o kahit kung anong sasabihin niya.
Ngayon niya lang napagtanto na nababaliw siya. Umabot siya ng dalawang taon na walang specific reason bakit gusto niya mahanap ang babae, he just wants to find her that's it; then after that what now?
Naputol ang kanilang usapan ng may kumatok. It was his secretary.
“Architect, hinahanap po kayo ng mom at dad niyo. Nasa telepono po.”
Napabuntong hininga siya bago sagutin ang secretary, “Connect me with them.”
Ilang segundo pa ay tumunog ang telepono na nasa executive desk niya.
“Hello mom.”
“Kean Lucas! Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang mag party? Kailan ka ba lalagay sa tahimik! Hindi kami pabata ng dad mo and I'm telling you, your wedding with the daughter of Rafael Servente must be done this year. Masyado ng maraming taon ang nasayang.”
Naihagod nito ang mga daliri sa kaniyang nakahagod na ring mga buhok. This is what his parents want—they want him to get married.
“Mom really? Bakit ba uso pa rin sainyo ang arrange marriage ayaw niyo ba na makahanap ako ng babaeng mamahalin ko? Hindi na ba kayo makapag-antay?”
Well that's almost impossible.
“Babaeng mamahalin? Don't fool us Kean Lucas sa edad mong iyan puro ka lang party at barkada and we can no longer tolerate you wasting your life in nonsense things! You're coming with us sa family dinner and we are not taking no for an answer, Kean Lucas!”
And with that she hanged up. Muli itong napabuntong hininga ng mawala na sa linya ang galit na galit na magulang nito. Wala sa sariling napaikot niya ang swivel chair.
“So they're pushing your wedding with that Servente Empire heiress?”
He nodded in frustration. Dapat ay two years ago pa silang ikinasal, pero kataka takang biglang nawala ang babae. May kailangan muna raw ito ayusin sa ibang bansa kaya kinailangang i-postponed ang kasal.
Nakahinga naman siya ng maluwag sa nalaman pero hindi naman niya inaasahan na kahit dalawang taon na ang nakalipas ay kinakailangan niya pa ring mag pakasal sa babaeng iyon.
“I heard, Mister Servente’s daughter is back in town. Kaya siguro tinawagan ka ng magulang mo.”
Well that explains the family dinner that they're talking about.
Tinignan lamang nito ang kaibigan at hindi na nakasagot. After that call his mind is already preoccupied with the things that might happened after the wedding.
Mawawalan ako ng part life!
“I should get going dude. Bumisita lang talaga ako to make sure na hindi ka pa baliw sa kakahanap mo sa babaeng iyon, and I guess hindi mo na siya hahanapin kasi andiyan na ang bride mo,” humalakhak ito.
“Gago!” sigaw nito sa kaibigan na hanggang pag labas ng pinto ng office ay nakatawa. Napailing na lamang siya, well guess his friend is right.
It's been two years and I still haven't had a lead where that woman is. I should stop and focus on how to still have my exciting life after getting married.
-----
Inip na tinapunan niya ng tingin ang kaniyang relo. He's freaking sure na mapapagalitan siya ng mom niya once he got there. Late lang naman siya sa family dinner ng isang oras.
Malaki ang pagitan ng bawat hakbang niya papasok sa isang Italian restaurant. Agad naman siyang inassist ng isang waitress patungo sa table nila.
Katulad ng inaasahan niya ay nandito na ang parents niya na masayang nakikipagkwentuhan sa isang lalaki na nasa mid 50’s. Kapwa mga naka formal attire rin ang mga ito.
Agad na napalingon sakaniya ang tatlo at tipid lamang na ngumiti.
“ Sorry for being late. Something just came up,” agad na tumayo ang mom nito upang bigyan siya ng halik sa pisnge.
Umupo ito sa katapat na lalaki na kausap ng magulang niya kanina si —Rafael Servente the prominent Business Tycoon and the CEO of Servente Empire.
“Good evening, Iho. It's been awhile, I think it's been two years since I last saw you,” sabi ng lalaki habang sumubo ng stake.
Kung titigan ay napaka strikto ng awra nito, mas strikto pa sa daddy niya at tingin niya ay mas matanda rin ito ng ilang taon doon. No wonder why this man is one of the most well respected business man here, his aura speaks authority.
“Good to see you too, Mr. Servente.”
Tumawa ito ng mahina na bahagyang ikinakunot ng noo nito, “You’re too formal Iho. You can call me dad iyon din naman ang itatawag mo sa akin after the wedding. Magiging son-in-law na kita.”
Hindi siya nakaimik. Mukhang tuloy na tuloy na talaga ang kasal niya sa anak nito because everyone is literally looking forward to it, siya lang naman ang hindi.
“Thank you, D-Dad.”
Hindi niya maiwasan mautal at makaramdam ng discomfort.
“Lucas will get used to it, balae. Anyways where is Letisha?” sabi ng mom niya na ngayon ay sumimsim sa wine glass na hawak.
“You know girls, napakatagal kumilos.”
Tumawa naman ang dad niya sa itinuran ng lalaki, “ I couldn't agree more. Three hours before the dinner nag aasikaso na itong si Felisha.”
Pabirong hinampas ng ginang ang asawa nito, “If my wife is still alive I'm pretty sure matutuwa rin siya kay Lucas. She'll love him.”
Ngitian siya ng lalaki at muli, tipid na ngiti lamang ang naisagot nito. Napunta na muli sa usapang negosyo ang topic ng mga ito. Palihim na napailing na lamang siya.
Napukaw muli ang atensyon niya ng muling mag salita ang lalaki“She’s here. Kakatext lang ng anak ko, mag papark lang siya."
Good kasi inip na inip na siya. He has a night out with friends to attend too.
“I’m excited to see my future daughter-in-law,” magiliw na saad ng mom niya.
In just a few minutes the door opened. Dinig na dinig niya ang magaan na hakbang ng heels na panigurado ay pag mamay ari na ng anak na babae ng kaharap.
Hindi ito nag abala na sumulyap o tumayo manlang. He is not in the mood to act nice in front of everyone lalo na at mauudlot pa ata ang night out niya dahil late dumating ang babaeng ito.
Tumunog ang silya dahil sa pag tayo ng magulang niya.
“Its nice to see you again, Letisha.”
“Have a sit.”
Muling tumunog ang silya sinyales na umupo na muli ang mga ito. Naamoy naman niya agad ang mabangong pabango na tiyak niya ay sa babaeng kauupo lamang sa tapat niya.
Hindi pa rin kasi siya nag aangat ng ulo. Walang ibang nasa isip niya ngayon kundi ang matapos na ang family dinner na ito. Nangangati na rin ang pwet niya at paa na makalayas na doon.
“How have you been doing, iha? Mas gumanda ka compared to the last time I saw you. If I'm not mistaken ay birthday ng dad mo noon,” sabi ng ginang.
Tanging boses lamang ang naririnig niya pero tiyak niya na nakangiti ang mga ito habang nag uusap.
“Well, so far I'm doing a great job as an interior designer. I already have my own company without my dad's help.”
Pretty independent huh? That's the first thing comes in his mind after hearing her answer.
“Interior designer? I thought you took something related in business?” tanong ng ama niya.
Well that's quite pretty interesting too.
“I did, pero pagkatapos po noon ay nag take po ulit ako ng another degree related to my passion.”
“I see and I know you'll handle your dad's company well.”
Tumikhim ang ama ng babae bago pa man ito makasagot, “Of course. Especially with the help of my future son-in-law, right Lucas?”
Dito na nakuha ang atensyon niya ng tawagin na ng lalaki ang pangalan niya. Sa unang pag kakataon mula ng dumating at sumalo sa hapag ang babae ay dito lamang siya nag angat ng tingin mula sa steak na pilit niyang pinag tutuunan ng pansin.
“Y-Yeah,” alinlangan niyang sagot.
Muling nagsalita ang mom niya, “Letisha, this is my son Kean Lucas.”
Binalingan nito ang babae at halos lumuwa na ang mata nito sa panlalaki. The girl is wearing a black dress that perfectly fit her silky white skin.
He almost lost his words in awe in the sight of this beautiful goddess infront of him.
“Lucas, you alright? Letisha is really beautiful don't you think?”
Nakangiti ang babae sakaniya at nahihiyang tinanguan ang babae. Wala sa sariling inilahad nito ang kamay at tinanggap naman ito niyon. Damang dama nito ang malambot at mainit na palad ng babae.
“I think you already have an idea why this family dinner was held,” seryosong sabi ni Mr. Rafael pero mababakasan pa rin ng ngiti ito sa mga labi.
Napainom naman ng tubig ang babae. Maybe because she's also not comfortable with the atmosphere now. Naging seryoso ang parehas na partido.
“Let us be direct to the point. I want the wedding to be held as soon as possible,” dito na nagunot ang noo niya. Mula sa panandaliang pagkakatulala ay dito lamang siya natauhan.
“Why too fast?” hindi na niya napigilang hindi sumingit.
“Kean Lucas!" saway sakaniya ng daddy niya. Kita niya ang masamang tingin din ng mom niya na sinasabi na manahimik siya.
He just sighed and shut his mouth. He don't wanna make a scene, at isa pa final na rin naman ata ang usapan tungkol sa kasalang ito.
“Hindi na kami pabata, Lucas.”
Hindi nito mapigilan na mapairap ng palihim. It is what his parents always tells him. Pero alam naman niya ang pinakadahilan ng matandang kaharap niya, it's all about wealth nothing else.
Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may mga dinaramdam na ang lalaki sa kaniyang katawan. And it seems that hindi nito hahayaang mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya. No wonder why he's now forcing his daughter to marry someone shee doesn't even know at all.
Clearly, this woman doesn't have any interest base pa lamang sa sinagot nito kanina.
“Sorry about Lucas, Rafael. Masyado talagang pranka ang batang ito. I'll find a wedding planner as soon as possi—”
“No, Felisha. I want the wedding to be civil and intimate. Ayokong makalabas pa ito sa media. For sure ayaw din naman ng mga bata na maexpose ang kasalang magaganap.”
Pinag salitan niya ng tingin ang dalawa. Labag sa loob na tumango ang lalaki dahil ano pa nga ba ang magagawa niya? Mas okay na rin iyon na lalabas ang kasalan sa media kung kailan tapos na.
“How about you Letisha?” maowtoridad ang boses ng ama nito kaya hindi na rin siya nagulat kung nakitaan niya ito ng takot at pag aalangan. Sa huli ay tumango rin ito.
Natapos na rin ang dinner. Pero mukhang nawalan naman siya ng gana pumunta pa sa night out nila.
His mind is preoccupied with something else. Hindi lang tungkol sa kasal kundi ang babaeng iyon.
Those grey eyes of hers.
I know I have seen them before—but maybe it was just coincidence. Maybe it just happened that she has that same eyes like hers.