Chapter 32 NIYUGYOG KO ang mga tuhod ko dahil sa kabang nararamdaman. Maya't maya rin ang pagtingin ko sa phone para tingnan ang oras. Napaaga kasi ang punta ko dahil sa excitement at kaba. Nag-text kasi si Tita Demi sa akin dahil gusto niya raw akong kausapin. May ideya na ako sa kung ano ang sasabihin niya pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba ko. Napatayo agad ako sa upuan nang makita ko siyang pumasok sa coffee shop. Naka-puting dress siya na may maliit na bag sa balikat na may mahabang bakal na strap. Ang itim na itim niyang buhok ay bagsak na bagsak hanggang beywang. Para iyong sumasayaw sa bawat paghakbang niya. Para akong nakatingin sa isang diyosang bumaba sa kalangitan. Napaka-puti pa ng kutis niya kaya pati ang barista ay napatitig sa kaniya. Ano ang meron sa genes nila?

