Chapter 30 THESE PAST few weeks, lagi na niya ulit akong kinukulit. Kaya lang sa chat lang. Hindi ko naman siya nakikita sa personal. Siguro ay mas busy na sila dahil third year na. Ang alam ko ay kritikal na taon ito para sa kanila. Hindi naman sa disappointed ako pero bakit pa niya 'to ginagawa? Para maging friends kami? Para may communication pa rin kami? Para saan pa? Well, no, thanks! Nakaka-stress na rin kasi pinapakilig niya ako. Ano ang i-eexpect ko, 'di ba? Lalo na ngayon na alam ko sa sarili kong meron pa. Kahit ayokong umasa, hindi ako susundin ng puso ko. Traydor 'to eh! Nakakaloka! Isa pa itong si bessy. Lagi na lang pinapaalala na may girlfriend na iyong tao. Oo, alam ko na! Alam ko nang ako na lang ang nagmamahal. Period. Ano 'ng magagawa ko? Alangan namang iwasan ko.

