Sheena's Pov Bumalik na ako sa kwarto at nakita ko si Mr. Timothy na nakaupo sa hospital bed ko. Hinihintay niya siguro ako. "What happened?" tanong niya kaya ako napaiyak na naman. Naramdaman ko na hinaplos niya ang likuran ko. "Wala na po akong magagawa Mr. Timothy," bulong ko bago nagpunas ng luha. "It's okay, maghintay na lang ulit tayo ng tamang pagkakataon. I will leave you here, take care." sabi niya at lumabas na siya ng kwarto. Si Mr. Timothy ang sumagot lahat ng mga babayarin ko dito sa hospital since wala na naman akong ibang mapupuntahan. Paano na ko nyan? Hindi ko alam kung kaya ko bang mabuhay ng mag-isa. Napahiga na lamang ako sa higaan ko at pinagmasdan ang kisame nitong hospital. Gaano pa katagal ba ako magiging ganito? Lumipas na ang walong buwan nandito pa rin

