"Daan kaya muna tayo sa mga wedding gown? Pwede ba?" Bigla kong sambit kay Bryan na nakangiti habang diretso ang tingin sa harap habang nagmamaneho. "It'a sounds good, sige" sabi niya kaya napatango na lang ako habang may malaking ngiti sa labi ko. After minutes at nandito na kami sa sukatan ng mga wedding gowns, sa sobrang saya ko hindi ko na namalayan na agad-agad ko nang tinanggal ang seatbelt ko at dali-daling lumabas ng kotse. "Hey, wait for me!" Napatigil ako ng sumigaw si Bryan. Natawa na lang ako sa kanya kasi madali na rin siya papalapit sakin. "Hay, 'wag mo ulit ako iwan ahh... Halika at may ipapakita ako sayo na susuotin mo mismong wedding natin," sabi ni Bryan at hinila ako papasok sa loob. Pagkapasok namin, sari't saring mga nagga-gandahang wedding gowns ang bumungad sa

