"OH, don't you like the dress I choose?" Kinagat ni Bria ang ibabang labi nang marinig niya ang sinabi ni Chelsea sa kanya nang makita nito ang dress na suot niya nang bumalik silang dalawa ni Frank sa labas ng mansion ng mga ito. Suot na nga niya ngayon ang dress na hiniram nito kay Denisse. Saglit naman siyang napatingin sa katabing si Frank na seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. "I like the dress," she said. "But..." hindi niya masabi na pinagpalit siya ni Frank ng dress, mukhang hindi kasi nito gusto ang dress na suot niya. Nahihiya siyang sabihin iyon kay Chelsea dahil ito ang may gawa niyon at ito ang pumili niyon para sa kanya. "But Frank doesn't want to," si Denisse ang nagpatuloy sa iba pa sana niyang sasabihin, may amusement nga na bumakas sa mga mata nito ng sandaling iy

