Chapter 20

1757 Words

SA HALIP na si Frank ang inaalalayan ni Bria dahil nga lasing ito ay kabaliktaran iyon dahil ang lalaki mismo ang naka-alalay sa kanya habang naglalakad sila palabas ng Bar, hawak-hawak pa kasi nito ang baywang niya. At nang tuluyan silang nakalabas ng Bar at nang makarating sa parking lot ay huminto siya mula sa paglalakad dahilan para huminto din ito. Nilingon niya si Frank at ganoon din ito. Hindi pa nga din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon. "Did you bring your car?" tanong niya sa lalaki. "Yeah," maikling sagot nito sa kanya. Nang malaman niya iyon ay inilahad niya ang isang kamay sa harap nito. Napansin naman niya ang pagbaba nito ng tingin sa kamay niyang nakalahad, napansin nga din niyang mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "Your car key,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD