ISANG ungol ang pinakawalam ni Bria habang sapo ang noo nang magising siya kinabuksan. Nararamdaman niya ang kirot sa ulo niya sa sandaling iyon. Para iyong binibiyak. Bria gently massaged her head for a while. Iniisip na makatulong iyon para mabawasan ang kirot na nararamdaman nh ulo niya. Saglit nga siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa napagpasyahan niyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. At akmang tatayo siya nang mapatigil siya ng mapansin ang paligid. Nanlaki ang mga mata niya, hindi nga din niya napigilan na igala ang tingin sa buong paligid. This wasn't her room. Dahil iba ang kwarto na kinaroroonan niya ng sandaling iyon. The room was much larger than hers. At nang ma-realize niya na hindi niya iyon kwarto ay agad siyang napatingin sa sarili. At napas

