BAGO pumasok si Bria sa loob ng banyo ay ipinatong muna niya ang damit na pinahiram ni Ate Denisse sa kanya. Hindi na kasi sila pinayagan ni Tita Dana na umalis ng mansion dahil lasing na ang mga lalaki. Pati na nga din si Camilla, do'n na din matutulog. At gaya niya ay pinahiram din ito ng damit ni Denisse. At dahil ang pagkakaalam ng pamilya nito ay fiancee siya ni Frank ay sa kwarto na din siya pinatulog ng mga ito. Nauna na nga siya dahil nag-iinom pa ang magkakapatid kasama ang ama ng mga ito. Pagkatapos niyon ay pumasok na siya sa loob ng banyo. Tinanggal naman niya ang lahat ng damit at saka na siya nagsimulang maligo. At dahil wala siyang dalang mga gamit ay ang mga sabon at shampoo na lang ni Frank ang ginamit niya. Hindi nga din niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kan

