KINAGAT ni Bria ang mga mata nang makita niya ang pamamaga ng mata ni Brylle dahil sa kakaiyak nito kagabi. Nakatulugan na nga nito kagabi ang pag-iyak dahil sa sakit dahil sa hindi pagdating ni Frank gaya ng pinag-usapan nila. Umaasa kasi si Brylle na makakausap at makikilala na nito ang ama. Excited pa nga itong ipakita sa ama nito ang mga quizzes nito na matataas na score. Pero iyong excitement ng anak ay napalitan ng sakit nang walang Frank na dumating. Inisip tuloy nang anak na hindi ito gusto ng ama kaya hindi sumipot si Frank sa naging usapan nilang dalawa. "I... hate, Papa, Mama. Ayaw ko na po siyang maging Papa ko. Hanap na lang po tayo ng bago kong Papa." Naalala ni Bria na sinabi sa kanya ni Brylle habang umiiyak ito sa dibdib. At nang maalala niya iyon ay nadudurog ang pu

