Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dito sa may cottage namin. Mamaya na ako uuwi,gusto kong alalahanin ang mga pangyayari sa buhay ko noong hinahabol habol pa ako ni Sherlyn. Sobrang swerte ko na ako ang piniling mahalin ni Sherlyn. Sana lang natugunan ko ang pagmamahal niya sa akin,hindi sana ako nahihirapan ngayon,siguro masaya kami ngayon at walang problema. Masaya sana kaming nagsasama ngayon at siguro may anak na kami. Masakit talagang isipin na hindi na ako mahal ni Sherlyn ngayon. Kung hindi lang dahil sa baby namin,gusto ko na sanang sumuko. Pero minsan naisip ko ring kailangan kong lumaban para makuha ko ang pamilya ko. Nasasaktan talaga ako lalo na kung hindi ako pinapansin ni Sherlyn. Para akong pinapatay sa sakit tuwing hindi ako binibigyang pansin ng babaeng mahal ko. Alam ko ganito rin ang nararamdaman ni Sherlyn noon,kaya kailangan ko ring lumaban para sa amin. Biglang tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko daddy ni Sherlyn ang tumawag. "Hello po,sagot ko. "Hello, Randy, nasaan ka ba bakit wala ka rito? Nasaan si Sherlyn kasama mo ba si Sherlyn?,tanong ng daddy ni Sherlyn. "Po,hindi ko po siya kasama, sige po hahanapin ko po si Sherlyn"sagot ko sa daddy ni Sherlyn. Sumakay na ako sa kotse ko. Tinawagan ko si May,"Hello, insan bakit ka tumawag?,tanong ni Andy. "Hello,insan tumawag ako kasi may gusto akong itanong kay May, sagot ko sa kanya. "Sandali lang insan ha,ibibigay ko kay May,ang cellphone. "Hello, Randy,bakit anong kailangan mo?tanong ni May. "May, saan laging pumupunta si Sherlyn pag wala siya sa kanila?,ibig kong sabihin saan siya naglalagi pag gusto niyang mag isip?,tanong ko sa kanya. "Puntahan mo siya sa condo namin doon kami nagpupunta pag gusto naming mapag isa,sagot ni May sa akin. "Salamat May,alam ko ang lugar na sinasabi mo,paalam ko kay May. Nagmamaneho ako papuntang condo nila Sherlyn at May. Pagdating ko sa condominium nila,umibis ako kaagad mula sa kotse ko. Bukas ang pinto pagdating ko sa condo nila Sherlyn. Pumasok na ako,nakita ko si Sherlyn na nakahiga sa sofa. Tiningnan ko siya tulog na tulog siya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya,"babe,bakit umalis ka ng bahay?,bulong ko sa kanya. "Please,babe di baleng pahihirapan mo ako huwag ka lang umalis na hindi nagpapaalam."bulong ko sa kanya sabay haplos sa tiyan niya. Tumulo ang luha ko habang nakikiusap kay Sherlyn. Sobrang mahal na mahal na mahal ko siya,di baleng hindi niya ako papansinin basta nasa tabi ko lang ang mag ina ko.Sherlyn pov Nakokonsensya ako sa sinabi ko kay Randy kanina,pero tiniis ko siya. Hindi ko talaga mapigilang magalit sa kanya tuwing naaalala ko ang mga panghihiya at pang aalipusta niya sa akin noon. Sobrang hangal pala ako noon sa mga pinaggagawa ko sa kanya. Kaya hindi pa rin ako kumbinsido na mahal niya ako. Paano ako maniniwala kung nagawa niya akong buhusan ng tubig sa harap ng mga kaibigan niya,nagawa niya akong itulak at nagawa niya akong laitin sa harap ng kaibigan niya,at nanumpa siya na hinding hindi niya daw ako mamahalin,sabi niya pa kahit ako na lang ang natitirang babae dito sa mundo ay hinding hindi niya ako mamahalin. Tapos ngayon lagi niyang sinasabi na mahal na mahal na mahal daw niya ako. Kaya hindi talaga ako naniwala,malay ko kung pinagplanuhan niya akong paglaruan ulit kasi nangyari na ito noon. Naaalala ko pa noong malapit na kaming magtapos ng highschool. Nagulat ako kasi lumapit siya sa akin at binigyan niya ako ng bulaklak. Siyempre ako namang si tanga tuwang tuwa kasi sa wakas napansin na rin ako ng lalaking mahal na mahal ko. Iyon pala pinagpipustahan lang pala nila ako. Pero hindi ko ininda iyon,kasi sobrang mahal ko siya. Kaya mahirap sa akin ang paniwalaan ang mga sinasabi niya sa akin ngayon,na mahal na mahal na mahal niya daw ako. Kaya hindi ko siya pinapansin ngayon dahil gusto ko na siyang kalimutan. Pero dahil nga buntis ako at siya ang ama ng baby ko. Kaya nga kanina noong nagpaalam siyang umalis,hindi ko napigilan ang sarili kong sigawan siya. Kahit sino naman ay hindi maniniwala. Ayaw ko nang mapagtawanan. Kaya May gagawin ako para hindi ako masyadong maging kawawa kung sakaling gusto niya akong paglaruan ulit. Pag alis ni Randy kanina,umalis rin ako at pumunta sa condo namin ni May. Dumating na ako dito sa condo pero dumaan muna ako sa palengke,bumili ako ng bagoong at manggang hilaw. Binalatan ko ang mangga at niluto ko ang bagoong. Kinain ko na ang mangga na may bagoong,sobrang sarap at busog na busog ako sa kinain ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako kasi may naririnig ako na nagsasalita si Randy pala,"babe,bakit umalis ka ng bahay, narinig kong bulong niya. "Please babe,di baleng pahihirapan mo ako huwag ka lang umalis na hindi nagpapaalam, dagdag niyang bulong sa akin,at hinimas niya ang tiyan ko. Bumangon ako at tiningnan ko siya. "Ano ba talaga ang plano mo?tanong ko sa kanya. Plano mo bang ipahiya ako ulit sa mga kaibigan mo katulad noon?tanong ko ulit sa kanya. "Hindi babe, wala akong planong ganoon,sagot niya sa akin. Please, babe patawarin mo na ako sa mga kasalanan ko sa iyo noon. Totoo na ang Nara ko ngayon sa iyo"sabi niya sa akin. "Paano ako maniniwala sa na mahal mo ako,diba sabi mo kahit ako na lang ang natitirang babae dito sa mundo ay hinding hindi mo ako mamahalin,sagot ko sa kanya. Hindi siya nakakibo,nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit,bigla siyang umiiyak,"please babe, patawarin mona ako,at kalimutan mo na ang mga pinagsasabi ko noon. Pinagsisihan ko na lahat ng sinabi ko sa iyo noon" pagmamakaawa niya sa akin. "Paano kung sabihin ko sa iyo na hindi ako pakakasal sa iyo, Anong gagawin mo?tanong ko sa kanya. "Please,babe huwag naman ganyan, please pakasal ka sa akin,handa ko gawin ang lahat pakasalan mo lang ako,"pakiusap niya sa akin. Bigla siyang lumuhod sa harap ko niyakap niya ang mga paa ko. "Tumayo ka diyan,kung ayaw mong mas lalong magalit ako sa'yo.sabi ko sa kanya. Bigla siyang tumayo at niyakap niya ako nang mahigpit. "Sige payag na akong makasal sa iyo, pero hindi mo ako pipiliting maging mabuti sa iyo"sabi ko sa kanya. "Payag ako basta kasama ko lang kayo ng baby natin,sagot niya sa akin.Sherlyn pov. Nagising ako tiningnan ko ang relo ko alas 4 pa pala ng madaling araw, "teka bakit masikip ang kama ko" paglingon ko katabi ko pala si Randy, at nakayakap pa siya sa akin,tiningnan ko si Randy ang gwapo niya sana hindi pagkukunwari ang ipinakikita niyang pagmamahal sa akin gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon pero hindi ko maiwasang maging malungkot sapagkat minsan niya na akong pinaglalaruan noong pinagpipistahan nila ako ng mga kaibigan niya. Kaya takot na akong magtiwala sa kanya ulit. "Gusto kitang mahalin at pagkatiwalaan ulit pero takot akong mahalin ka dahil baka pinaglalaruan mo lang ako"bulong ko sa kanya. Nagulat ako kasi siyang dumilat at tiningnan niya ako, ang mga mata niya nakita kong may tumulong luha, " babe, kung bibigyan mo ako ng isa at huling pagkakataon na patunayan ko sa iyo na mahal na mahal talaga kita ay hindi ko sasayangin ang pagkakataon na iyon" sagot niya sa akin. Tinalikuran ko siya sabay sabing ang pangit mo" Hahaha, tawang tawa si Randy sa akin sabay yakap niya sa akin, hinayaan ko na lang siya na yakapin ako hanggang sa makatulog ako ulit.Paggising ko bumangon ako kaagad at tumakbo papuntang banyo at nagsuka ako kahit wala naman akong isinuka" okay ka lang babe" tanong ni Randy sa akin,sabay haplos niya sa likod ko. Hindi ko siya sinagot bumalik ako sa kama at humiga ulit. "babe, sabi nga pala ng daddy mo kakausapin daw niya tayo ngayon kasi aalis daw sila ng mommy mo papuntang France ngayon." sabi ni Randy sa akin. Hindi ko siya sinagot bumangon ako at bumaba. pagbaba ko nakita ko sina mommy at daddy na nagkakape. "Good morning dad,mom,"sabi ni Randy aalis daw kayo ngayon papuntang France ? tanong ko sa kanila. "Halikana dito Randy, umupo ka na dito sa tabi ni Sherlyn,sabayan mo siyang kumain dahil may sasabihin ako sa inyong dalawa ni Sherlyn" sabi ni daddy kay Randy. Nakasunod pala siya sa akin. Nang nakaupo na si Randy sa tabi ko. Nagsimula na kaming kumain, "Randy,ikaw na ang bahala kay Sherlyn dito at gusto ko aasikasuhin na ninyo ang inyong kasal nang sa gayon pagbalik namin dito galing France ay makasal na kayo ayaw kong lumabas ang apo ko na bastardo" Naiintindihan niyo ba ako? tanong ni daddy. Hindi ako sumagot. " Opo,tito aasikasuhin po namin ni Sherlyn,sagot ni Randy sa daddy ko. Tumayo na sila daddy at mommy. " babe, bukas aalis tayo para aasikasuhin natin ang ating kasal" sabi ni Randy sa akin. Tiningnan ko siya at sininghalan sabay sabing"Kung gusto mong makasal tayo aasikasuhin mong mag isa hindi ako interesadong makasal sayo" Nawala ang ngiti sa labi ni Randy, sabay sagot sa akin ng"Sige babe okay lang na ako lang mag isang mag asikaso ng kasal natin para hindi Kana mapagod" sagot niya sa akin. Tumayo ako at iniwan ko si Randy na nakatulala sa mesaNakokonsensiya ako sa mga sinabi ko kay Randy kanina pero ewan ko sa tuwing naaalala ko ang mga pinagdaanan ko kay Randy ay nagagalit ako kaagad dahil ginawa niya akong tanga noon. Tingnan ko lang kung hanggang saan talaga ang pagmamahal na sinasabi niya," baka nga susuko siya kaagad" bulong ko sa sarili ko.Randy pov. Naiintindihan ko si Sherlyn, kung tutuusin kulang pa ang mga pinagdaanan ko ngayon kumpara sa nararanasan ni Sherlyn sa akin noon. Handa kong gawin ang lahat para maipakita ko lang sa kanya na totoo ang nararamdaman ko sa kanya. Ang gusto ko makasal na kami kaagad para magawa ko na lahat ng paraan mapaibig ko lang siyang muli sa akin.Hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong binigay ni Sherlyn sa akin, lahat ng paraan gagawin ko mapaibig ko lang siyang muli. Ngayong magkakaanak na kami sila ang gusto kong makasama,ayaw ko na ring mawalay sa kanila hindi ko kaya na wala silang dalawa ng anak namin.Sana mapatawad na ako ni Sherlyn,pero kahit hindi niya pa ako mapatawad sa ngayon hinding hindi ako susuko at mamahalin ko siya habang ako ay nabubuhay.Maaga akong nagising at inihanda ko kaagad ang kakainin ni Sherlyn,dahil aalis kami ngayon aasikasuhin namin ang aming kasal. Tapos na akong magluto. Pupuntahan ko ang asawa ko,kinilig ako sarap sa pakiramdam kung talagang asawa ko na talaga si Sherlyn. "Babe,gising na" sabay ko sa kanyang labi. Ang ganda talaga ni Sherlyn hinding hindi ako magsasawa na titigan siya. Napakaswerte ko na ako ang minahal niya,sana lang mahalin niya ako muli. Malungkot kong hinalikan muli ang kanyang mga labi."Sana babe,mahalin mo akong muli". "Ano ba ang aga aga nagdadrama ka diyan,umalis ka nga sa harapan ko ang pangit pangit mo at ang baho mo pa" singhal ni Sherlyn sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit"Babe, 'wag naman, hindi ko kayang mawalay sa'yo" sagot ko sa kanya. "Basta umalis ka sa harapan ko ayaw kitang makita naiintindihan mo?. Umalis na lang ako at lumabas na ng kwarto ni Sherlyn. Pumunta ako sa may likod nila Sherlyn umupo ako sa may waited shed doon . Tumunog ang celphone ko sinagot ko na hindi tiningnan kung sino ang tumatawag Hello! sagot ko. "Insan, kumusta okay naba kayo ni Sherlyn?"tanong ni Andy. Hindi pa kami okay insan",sagot ko sa kanya. Kami rin ni May hindi pa kami okay pinapahirapan lagi ako ni May dito insan pero hindi ako susuko alam ko mamahalin niya ako uli insan ngayon pa ba ako susuko kung kelan may anak na kami insan" sabi ni Andy sa akin. "Ganoon din ako insan,hinding hindi ako susuko",sagot ko sa kanya.Tapos na kaming mag usap ni Andy nang marinig ko si Sherlyn na tumatawag sa pangalan ko. "Randy,nasaan ka ba ha,galit na tawag niya sa pangalan ko. "Nandito ako sa likod babe"sagot ko sa kanya. "Bakit, nandito ka akala ko ba may lakad tayo ha," "sige babe, magbibihis ako sandali lang ako"sagot ko sa kanya habang tumatakbo papuntang kwarto para magbihis. Hangga't maari ayaw kong magalit si baka ma stress siya nang dahil sa akin. Ayaw kong mangyari yun. "Tapos na akong magbihis babe"sabi ko sa kanya . Tiningnan niya ako uli hanggang Paa. Nagulat ako nang bigla siyang nagalit at pinapabalik niya ako sa kwarto para magpalit ng damit. "Hubarin mo 'yang suot mo ang pangit tingnan" magbihis ka ulit. Ayaw ko iyang suot mo bilis"utos niya sa akin. Bumalik ako sa kwarto at nagbihis ulit nang lalabas na ako ay nagulat na naman ako nang bigla na naman siyang sumigaw," Ayaw ko iyang suot mo magbihis ka ulit"sabay bukas sa lalagyan ko ng mga damit. Tiningnan niya ang mga damit ko. "Wala ka na bang ibang damit na dala ayaw kong sinusuot mo ang mga damit mong nandito" naiintindihan mo ba ako Randy? tanong niya sa akin. "Bakit, okay naman itong mga damit ko ah, ang gwapo ko nga pag suot ko ang mga ito"sagot ko sa kanya. "Punyeta, basta ayaw kong suot mo ang ito, kung ayaw mong magalit ako sa iyo huwag na huwag mong susuotin ang mga iyan". utos niya sa akin. Oo na babe, hindi ko susuotin ang mga ito. Ano ang susuotin ko ngayon kung ayaw mong suotin ko ang mga ito" tanong ko sa kanya. "Sandali,may kukunin akong damit diyan ka lang, huwag kang sumunod". hindi na lang ako sumunod ayaw kong magalit siya sa akin. Pagbalik niya may dala na siyang supot at nilabas niya isang t-shirt at pantalon na panlalaki at bago pa ang mga ito may mga tag pa nga ang mga ito. "Kanino ang mga ito mukhang bago pa"tanong ko sa kanya. "Ibibigay ko sana sa kaibigan kong lalaki kaso hindi pa kami nagkita ulit" sagot niya sa akin. Tapos na akong magbihis tiningnan niya ako "Pambihira "sabi niya sabay alis sa harapan ko. Kaya sinundan ko na lang siya. Nakasakay na siya sa kotse nang lumabas na ako.Sherlyn pov . Galit na galit ako nandito ako sa kotse. Wala pa ring pinagbago. "Pambihira,pinapahubad ko nga sa kanya ang damit niya dahil poging pogi siya sa suot niya ayaw kong may tumitingin sa kanya na babae" bulong ko sa sarili ko. "Babe,alis na tayo, bulong ni Randy sabay halik sa pisngi ko. Pinapaandar niya ang kotse. Nagkunwari akong matulog para hindi niya ako kausapin. Pinasuot ko sa kanya ang damit na binili ko para sa kanya noong birthday namin ngayong taon na ito. Hindi ko naibigay sa kanya dahil nga nagdesisyon na ako na hindi na siya mamahalin . Pambihira gwapo pa rin siya kahit anong isuot niya. Nang dumating na kami sa pupuntahan namin para magrehistro para sa kasal namin. Maraming babae ang tumitingin sa kanya. Hindi ko maiwasang magselos. Gusto kong dukutin ang mga mata ng babaeng tumitingin sa kanya.Pagkatapos naming magparehistro ay hinila ko na kaagad si Randy dahil gusto kong dukutin ang mata ng babaeng nandito. Nasa loob na kami ng kotse nang bigla siyang nagsalita"Babe, bakit parang galit na galit ka may nagawa ba akong mali"? tanong niya niya sa akin. "Wala,sagot ko sa kanya.Hindi ko masabi kay Randy na nagseselos ako sa mga babaing tumitingin sa kanya kanina. Kahit gusto kong dukutin ang mga mata ng mga babaeng iyon. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa mga tanawing nakikita ko at nadaanan namin ni Randy. Hanggang sa ako'y nakatulog. "Babe,gising na andito na tayo sa bahay" pukaw ni Randy sa akin. "Ayaw mong gumising ha,sige at hahalikan kita bulong niya sa akin. Dahil kung halikan niya ako, kaya nagpanggap akong tulog. Hinalikan niya nga ako sabay bulong sa akin ng "Mahal na mahal na mahal kita babe,sana mapatawad mona ako". Dumilat ako at kunwari ay tinulak ko si Randy. "Ano ba, bakit mo ako hinalikan ha? kunwari galit ako sa paghalik niya sa akin. "Pasensiya na babe hindi ko napigilan ang sarili ko ang ganda ganda mo kasi. At hahalikan kita kung kelan ko gusto sana huwag mo na mang ipagkait sa akin 'yon". sagot niya sa akin.Lumipas ang dalawang Linggo. Sa wakas kasal na namin ni Sherlyn. Nandito ako ngayon sa simbahan hinihintay ko ang pagdating Sherlyn. Takot na takot ako kasi isang oras ng mahigit pero wala pa siya. Baka hindi siya dadating at ayaw niya akong pakasalan. "Pinasa,huwag kang mag aalala darating siya. Matutuloy ang kasal niyo" pampalubag loob ni Andy sa akin. "Randy,nandito na siya nakarating na"sabi sa akin ni May. Nagsimula na ang tugtog ng musika at nakita ko siya sa b****a ng pintuan. Tumulo kaagad ang luha ko kasi masayang masaya ako at dumating siya at hindi niya ako iniwan sa ere. Pinapangako ko na hinding hindi ko na siya sasaktan ngayong binigyan niya ako ng isang pagkakataon. Gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ako muli.Habang siya ay naglalakad ay pinatugtog ang kantang "PERFECT" BY: ED SHERAN. I found a love,for me Darling,just dive right in and follow my lead. Well, I found a girl beautiful and sweet. Oh! I never knew, you were the someone waiting for me. Habang tinitingnan ko siya na naglalakad papunta sa akin,ay hindi ko maiwasang maiyak tuwing naaalala ko kung paano ko siya pinapahiya sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako. Ngayon nagkapalit kami ng posisyon ako naman ang naghahabol sa kanya at siya naman ay ayaw na sa akin. Sobrang Sising sisi ako at sana lang hindi pa huli ang lahat,sana pahintulutan ng PANGINOON na kami talaga ang magkatuluyan hanggang sa pagtanda namin at sana ay mapatawad na niya ako at mamahalin nya ako ulit. Dahil pinapangako ko na hinding hindi na ako gagawa ng bagay na masasaktan nang dahil sa akin. At gagawin ko ang lahat at handa akong magtiis mapatawad at makasama ko lang sila ng anak namin. Hindi talaga ako nahiya na nakikita ako ng mga tao dito sa loob ng simbahan na umiiyak,dahil sobrang saya ko na dumating siya sa kasal namin at hindi niya ako iniwan tulad ng sinabi niya na hindi niya ako sisiputin.