Scratch 26 Iwinagayway ni Francis ang kamay sa tulalang mukha ni Julian. Kanina pa naghahamon ng pustahan ang kambal pero parang nasa ibang planeta ang kaluluwa nitong si Julian. “Hoy, tol! Maglog-in ka na. Magsa-start na ang game, o.” Matamlay na tinignan lang ni Julian ang mga kaibigan. “Pass muna ako.” “Aist! Ano ba yan! Tara na!” pamimilit ni Ark. “Hayaan niyo na. Alam niyo namang brokenhearted si lover boy, eh.” “Tsk. Weak!” komento ni Ark. Hinayaan nalang nila ang kaibigan na magpakaemo. Patuloy ang pustahan at ang laro. Bahala siya dyan. Umalis si Julian. Pinuntahan niya ang blangkong upuan ni Sharry. Hanggang ngayon, naka-confine pa rin ito sa ospital. He misses her face, her voice, her presence. May nakasulat sa armchair na: Sharry loves Julian. May arrow sa taas na pa

