Scratch 33 Four down out of five. Last target, locked Dumagsa ang mga estudyanteng excited nang mag-lunch sa mga hallway ng eskwelahan. Sa malapad na daraanan, na napagitnaan ng Heroes’ Park, magkaharap na old buildings, at ng new building kung saan, siksikan ang kalalabas na mga third year, at fourth year special science curriculum students at mga nasa hetero sections. “Tabi!” kinabig ni Arwin ang lahat ng nakaharang sa kanyang dinadaanan. Seryoso ang kanyang mukha, at nagtatagis ang kanyang bagang. “Hoy, Julian! Bumalik ka ditong, tangina ka!” Napalingon ang mga estudyanteng naglalakad na sana papunta sa canteen, o ‘di naman kaya’y sa gate. May iba namang bumalik at tinunton ang kinaroroonan ng sumigaw. Lahat sila’y may iisang tanong: ‘Anong nangyayari?’ “Ano ba, tol!” “H

