Scratch 30 “Ahh!” sigaw ni Ark matapos siyang matapakan. Ganito pala ang pakiramdam na hindi importante. “Aray! s**t!” sigaw niya ulit nang matapakan siya sa di mabilang na beses. Ilang tao na ang nakatapak sa kanya. Gusto niyang umalis. Gusto niyang ipagsigawan ang nararamdaman niya, ang ipaalala kung paano siya ginamit kanina. Pero walang nakakarinig. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naiwan siyang nakalupasay sa lupa habang unti-unting nanlulupaypay. Punit-punit at madumi. At ngayon naman ay nagsisimula nang mabasa at malusaw sa tubig ulan. Ni-hindi man lang makatakbo para makasilong. Wala man lang may paki. He wants to shout but nobody hears his pleas, his cries of anguish and pain except his twin. After all, he is just a paper. A paper which people use every day for di

