Scratch 23 “Stalker ka—” Kasabay ng biglang pagkamatay ng lahat ng ilaw sa alley, ay ang panginginig at paninigas niya sa kinatatayuan. Para bang hinigop ang kanyang lakas at ngayo’y takot ang namayani. Napaupo siya habang tahimik na tumutulo ang luha, pinipilit na labanan ang takot na nadarama. Pinipilit niyang labanan ang dilim. Pinipilit niyang patahimikin ang mga boses at imahe ng nakaraan na nagmumulto sa dilim. Pinikit niya ang mga mata at by instinct, niyakap ang sarili bilang proteksyon sa panganib na siya lang ang nakakaisip. x-x-x Ten years old lang siya nang mangyari ang insidenteng iyon. Noon nagsimulang magka-nyctophobia si Charity Elisse. Alas-singko na ng hapon. Nagtatakip-silim na at nagsisimula ng kumagat ang dilim. Dapithapon, nagsipag-uwian na ang mga b

